Kabanata 3

246K 8.6K 1.5K
                                    

Kabanata 3

I was feeling heavy and dizzy the next morning, umikot ako sa kama at nag-unat. My eyes are still close.

I can hear the sound of waves crashing on the shore. The chirping of the birds and the blinding rays of sun is touching my face.

I yawned.

Ano bang nangyari kagabi para maging ganito kabigat ang pakiramdam ko? Did I drink a lot?

Bahagya akong umikot at sumubsob sa matigas na kung ano.

I can't remember if this is a wall or something pero hindi ko na pinansin. Napaungol pa ako nang bahagya nang makaramdam ng humihigit sa baywang ko.

"Hmm..." I hummed. I smelled a pleasing scent, dahilan para sumubsob pa ako sa pader at humilig.

"Misis," I heard a husky voice. That stopped me, I was thinking that maybe, it was just a dream pero nang makaramdam ng mainit na labi sa ulo ko ay mabilis akong napamulat.

I was greeted by a man's deep blue eyes. Kumalabog ang dibdib ko.

"Mornin'," he said again, and I saw a smile on his lips. Natulala ako.

"W-Who..." Nangunot ang noo ko at nang ma-realize na yakap-yakap ako nito at sobrang lapit ng mukha nito sa akin ay napabalikwas ako at napatili.

"Oh, my god!" Mabilis akong umupo at nanlalaki ang matang tiningnan siya.

"W-What's the problem?" he asked me. Pupungas-pungas na umupo ito at lumantad sa akin ang katawan nito.

Oh, shit!

Nang bumaba ang tingin ko mula sa dibdib nito pababa sa ibaba at nakitang naka-boxers lang siya ay mabilis akong napatingin sa katawan ko sa ilalim ng kumot.

I screamed when I saw myself almost naked under the sheets.

"Bakit—"

"Pervert!" I shouted and kicked him, dahilan para lumagapak siya sa lapag.

"Shit!" he cursed.

Napaayos naman ako ng upo at sumilip sa lapag.

"Maniyak ka! Maniyak!" sigaw ko.

"Ow, fuck!" Napahawak ito sa balakang at mabilis na nag-angat ng tingin. "W-What the hell is your problem, Ree?!" asik niya.

Nanlaki naman ang mata ko at niyakap ang kumot sa dibdib ko.

"You pervert! You raped me!" I shouted.

"I did not!" he hissed habang napapangiwi sa sakit ng balakang.

"Liar! You jerk! Isusumbong kita sa pulis!" sigaw ko.

"You gave in easily last night—"

I screamed and pulled the pillow before throwing it on his face.

"Fuck!" he cursed again. Sumapol iyon sa mukha niya kaya natumba na siya ng tuluyan sa lapag.

"Manyak ka! Manyak!" I screamed. Mabilis akong tumayo habang yakap ang kumot at lumapit sa kanya na dumadaing habang nakahilata sa lapag.

"Why would I rape you?" he hissed. Sinubukan nitong tumayo pero bumagsak na naman sa lapag.

"Kasi manyakis ka!" sigaw ko. "You... You probably took advantage of me and..."

"And what?!" Hawak nito ang ulo at sinubukang tumayo.

"Forced me!" Halos maluha ako.

Oh, my god! My innocence! Kinuha lang ng walang hiya ng ganoon lang!

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon