Chapter 44

2K 80 152
                                    


Chapter 44 - Fortnight

Soundtrack: Stay Close, Don't Go by Secondhand Serenade


Nakatitig lang ako sa sketch pad sa harap ko. Gustung-gusto kong gumuhit at magpinta pero hindi ko magawa.

Hindi pwede.

Mahigpit ang naging bilin sa'kin ng doktor na ipahinga ko ang mga kamay ko, na hanggat maari 'wag kong daw gamitin para bumilis ang paggaling. Dahil malalim ang mga sugat, maaring abutin nang isang buwan o mahigit pa ang paghilom ng mga ito.

Sa drawing at painting lang ako magaling...

Ano nang gagawin ko ngayon?

Gusto kong maiyak, pero napakadami ko nang naiyak noong isang gabi. Natatakot nga si Yuan na baka ma-dehydrate ako kaya hindi na ko pwedeng umiyak.

Pumikit ako at humugot ng hininga.

Hindi ako pwedeng umiyak.

Pagdilat ko, eksaktong may kumakatok sa pinto. Hindi ako sumagot dahil gusto kong mapag-isa.

 

Pero bumukas pa rin ang pinto at pumasok si Jacin.


Gamit ang likod ng kamay ko, kinusot ko ang mga mata ko upang siguraduhin kung totoo ba ang nakikita ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko. Nakatingin lang siya sakin, hindi nagsasalita.

Hindi ko pa rin alam kung totoong nandito siya, o hallucination ko lang, o kaya naman baka nanaginip lang ako... baka panaginip lang ang lahat.

Pinihit ko ang upuan patalikod sa study table para makaharap sa kanya. Inangat ko ang kamay ko para mahawakan ang mukha niya.


He's real.


Nandito talaga siya.

Lalo tuloy ang hirap magpigil ng iyak. Tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha, pero tumulo pa rin sila.

Hinawakan niya ang pisngi ko para punasan ang mga luha. Sunod niyang hinawakan ang mga kamay kong naka-benda. "How are your hands?"

"O-okay na. Gagaling din sila..."

"Do they hurt?"

Umiling ako. "Hindi na gaano..." Pero 'yung puso ko Jacin, masakit pa rin. Pilit akong ngumiti, "Congratulations pala sa laban n'yo kahapon. Champion ulit kayo ni Ayu." Pinayagang maglaro si Ayu dahil mababaw lang daw ang sugat sa niya sa noo. "Sorry kung hindi ako nakapunta."

Hindi ko kasi kaya. Hindi ko kayang makita silang dalawa. Ayoko nang saktan pa lalo ang sarili ko.

"No, June. I'm sorry. The other day..." humigpit ang hawak niya sakin, "I was just so fucking confused. You were both hurt, I didn't know what to do--who to save first and—"

"Jacin, okay na." putol ko sa kanya. Alam kong nahihirapan din siya. "It's done. Ayu and I are both fine now."

Nag-igting ang mga panga niya, "It's not okay for me. What happened between you and Ayu, June? She won't tell me, you won't tell me. How would I know?"

"You don't have to know." I say softly, inayos ko ang ilang mahabang buhok na tumatabing sa mata niya. "Tapos na 'yon, ayoko ina ring pag-usapan."

Katahimikan ang sumunod.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon