dahilan #2

894 48 62
                                        

#2- ang baboy mong kumain, turn off tuloy sya

danica's pov

"oy jaemin!" sigaw ko sa classroom nila. magkaiba kami ng section okay?! sad, pero ayos lang. atleast nagkakasama pa rin kami. may time sya para sakin ayieeee

naramdaman kong naginit yung pisngi ko, hala namumula ako dahil sa pinag-iisip ko! na sa katotohanan eh, pinapaasa ko lang yung sarili ko. tama ba tong ginagawa ko? tama bang di ako sumusuko kahit alam ko na nung una palang, imposible nang mangyare?

pero biglang nawala yung mga nasa isip ko na yun nang may tumawag ng pangalan ko, "uy princess danica jeon!"

pinuntahan ko sya sa loob atsaka sya binatukan, "dan nga sabi. princess ka dyan, eww."

pagtataray ko sakanya. kadiri naman kasi talaga eh. princess?! eh di nga ako mukhang prinsesa! sa gwapo kong to-

bigla naman nya akong inakbayan at bumulong sa tenga ko, "joke lang, to naman bismud agad. sadista ka talaga kahit kelan." sabi nya. kikiligin na sana ako eh, kaso binatukan ako! langya!

"oh, ayan na naman kayong dalawang mag-jowa. wag nga kayong maglandian sa harap ko jusko, ka-bitter ah." kumento ni lami sa gilid namin. agad akong lumayo kay jaemin,

"kami, mag-jowa? wag mo ako binibiro ng ganyan lami ah, bakla yan. wag ka." sabi ko, okay para akong defensive sa part na yan- pero wala naman talagang kami. kung meron man, dahil lang yun sa bespren ko sya.

"haha... o-oo nga! a-ayan, si d-dan? eh tibo yan eh! di ko sya type ah." sabi naman ni jaemin. tumawa ako, but bitterness is evident at my tone. oo na jaemin, alam kong di mo ako gusto! ipamukha mo pa sige, ang sakit sakit na kasi eh! para sagaran na!

"bahala na nga kayo, masyado kayong in-denial." sabi ni lami bago tuluyang umalis. naiwan kaming dalawa ni jaemin dito sa classroom nila. walang nagsasalita, ang awkward tuloy.

eh ako tong di makatiis sa katahimikan. kaya hinawakan ko nalang sya sa kamay, "tara na nga, sabi mo ililibre mo akong lunch diba?! di ako kumain ng umagahan, tara na!"

agad kong inalis yung pagkakahawak ko sa kamay nya pagkalabas namin ng classroom. gustuhin ko man na di yun bitawan, kaso lalo lang akong umaasa eh. inakbayan ko nalang sya like i always do. kasi nga, normal lang naman sa magkaibigan yung ganito diba? walang ibig sabihin to

"oh, tahimik ka dyan? iniisip mo na siguro yung gastusin mo mamaya noh?" tanong ko sa kanya at tumawa. umirap naman sya, pero napangiti nalang din. kinuha nya yung cap ko at sinuot sa kanya. sya naman tong umakbay sakin kaya binaba ko na yung kamay ko.

"eys, lagi mo nalang yan kinukuha!" sabi ko sa kanya at kinuha pabalik yung cap ko. sakin naman kasi to eh. ikaw jaemin, kelan ka kaya magiging akin?

napatingin ako sa kanan ko kasi namumula na naman ako. ano ba dan?!

"oh, sino tinitingnan mo dyan?" tanong bigla ni jaemin kaya napahinto ako at napatingin sakanya. pero leche, wrong move! nakatingin rin kasi sya sakin kaya pagbaling ko sa direksyon nya, sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. okay sige, we are both each other's first kiss. pero aksidente lang naman lahat eh, walang meaning. nakatingin lang ako sa kulay brown nyang mga mata, at ganon din sya sakin. napalunok naman ako nung makita kong tumingin sya sa labi ko.

mas lalong namula yung mga pisngi ko kaya napatingin nalang ako sa baba at umiling. gawd! ang bilis ng tibok ng puso ko shemay!

"u-uhh... g-g-gutom na a-ako! a-ayan na yung c-c-canteen oh! t-tara na!" hayp na yan, i'm stuttering! hayp ka kasi na jaemin eh, bakit mo ba pinaparamdam sa akin to? litong lito na ako!

dumiretso na nga kami sa canteen. tinanong nya ako kung ano yung gusto kong kainin. sabi ko kahit ano, basta gutom ako ngayon. di talaga ako kumain ng umagahan, pramis! si mama at hina kasi eh!

pagbalik nya, punong puno yung isang buong tray at bumalik pa sya para kuhanin yung isa pa. nanlaki yung mata ko sa dami ng pagkain. ano kala nya sakin, baboy?!

"sa tingin mo mauubos ko yan?! aba." sabi ko sakanya at binatukan sya. napakamot sya ng ulo

"eh sabi mo gutom ka! lilinawin mo kasi para di ako naguguluhan." sabi nya sakin. napabuntong hininga nalang ako. at sinabing bayaan nalang. umupo nalang din sya at kumain na kami parehas.

yan yung gusto kong sabihin sayo jaemin eh. bakit ginaganto mo ako, pinapagulo mo isip ko. pinapaasa mo ako na baka magkagusto ka sakin pero sa dulo, sasabihin mong dahil kaibigan mo ako. lilinawin mo naman para di ako naguguluhan at nahihirapan! at higit sa lahat, para di ako nasasaktan!

kinuha ko yung chopsticks at nagsimula nang lumamon- este kumain. gutom na gutom ako. stressed na stressed pa dahil dito sa kasama kong kumain ngayon. stress eating is the only way.

ilang minuto ang lumipas, halos maubos ko na yung isang tray, "oh, kala ko ba napakadami nun, eh parang kulang pa ata sayo eh!" sabi nya sakin.

napa-dighay naman ako, lakompake! "eh malay ko ba! sorna ah, gutom lang!" sabi ko habang ngumunguya

napapikit sya at pinunasan yung mukha nya, "ano ba naman yan dan, don't talk when your mouth is full kasi! baboy mo kumain yaq." sabi nya. patuloy lang ako sa pag-kain. hala sige dan!

"oo na, malapit na akong matapos oh." sabi ko at ininom yung gravy. bakit ba, eh peyborit ko yung gravy eh.

"teka nga," tumayo sya sa kinauupuan nya at pinunasan yung gilid ng labi ko gamit yung hinlalaki nya. "may dumi eh. ayusin mo kasi ang pag-kain, jusko. di na kita sasamahan kumain ulit."

"edi wag! di kita pipilitin. as if namang gusto kita kasabay kumain." sabi ko sa kanya at kumain nalang ulit.

ako lang ba o ang ibig nyang sabihin sa sinabi nya ay kahit kelan, di nya ako i d-date? haha...

bakit 'di ka crush ni na jaemin?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora