Prologue: Emo

46 15 0
                                        








Gean Jastin Perez.

Pangalan na napakagandang pakinggan ngunit hindi bagay para sa isang hamak lamang.

Nag-unat muna ako ng katawan bago napatingin sa wallclock. Past 9 na ng umaga "Napasarap na naman ang tulog ko." I murmured.


Agad akong nagbihis pagkatapos kong maligo. Ito na naman ako sa mga routine ko. Naligo, nagtoothbrush at kumain.


Nakasuot ako ng black faded pants at lumang vans shoes with matching white tshirt. Hindi ako tibo ah. Sadyang mas kumportable lang talaga ako sa ganitong outlook. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil medyo basa pa.

Maaliwalas ang pahanon ngayon. Ewan ko lang mamaya. Sana hindi uulan. Mayroon kasing araw na ang init- init tapos magugulat ka nalang pagtingala sa langit makulimlim na pala.

Gamit ang aking lumang motor, dinaanan ko ang tanging taong alam kong kasangga ko kahit papaano sa buhay.

"Antagal mo na naman." Sabi nya. Siya si Wena Jade Gamboa. My partner in crime.


"Nahiya naman ako sayo. Sabihin mo lang kung ayaw mo ng sumabay sa akin. Willing akong iwan ka." Sabi ko. Nakikilibre na nga, nagrereklamo pa.

"Ito naman, di mabiro." tumawa lang siya. "Sayang din ang pamasahe no." Tinitigan ko lang siya.

Hindi ako yung tipo ng tao na madaling tumawa sa mga biro. In other words, hindi ako palatawa. I am aloof in everyone's eye. An outcast. And I don't think where this can lead me. I just realized that I rarely be the same among others in all aspect. I can sense it in my day to day living in this cruel world. Ewan ko lang kung bakit nagtagal kami ni Wena. We are a total opposite of each other. She's jolly and I am not. She likes joking around and I am not. She's girly and I am not. She looks into life positively and again, I am not which I find weird.

Naalala ko noong nagkakilala kami. Ako lang mag isa sa classroom noon. First day of class as 2rd year college. I took BS in Civil Engineering. Hindi ako masyadong matalino pero nag-aaral ako ng mabuti knowing that pinaghihirapan ko ang panggastos. Trasferee siya at ako ang una niyang nakilala dahil sa nameplate ng uniform ko. Nakipagkwentuhan siya sa akin ng kung anu-ano. Nakikinig ako pero wala doon ang focus ko.

"Hoy babae nakikinig ka ba?" Sabi niya noong hindi ako umiimik. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko siya pinapansin dahil hindi ako sanay ng may nangungulit sa akin.

"Alam mo, madali lang ang buhay. Hindi mo alam kung kailan ito matatapos kaya enjoy mo na te. Hindi yung nagmumukmok ka dyan." Sinimangutan ko nalang siya. Akala ko magagalit siya at lalayuan ako ngunit sa susunod na araw ay ganun parin siya. Most of my subject ay kaklase ko siya dahil pareho kami ng course kaya kalaunan ay nasanay na akong nakabuntot siya hanggang sa naging magkaibigan kami.

Pinaandar ko na ulit ang motor at tinahak ang daan papunta sa mansion ng mga dela Gonzalo.

"Dahan-dahan naman Gean." sigaw niya. Binilisan ko kasi ang pagmaneho. Baka tuluyan na kasi kaming malate. Nakakahiya naman.

Pagdating namin ay sinalubong kami ng malawak na bahay at bakuran. Tila ba pinaglumaan na ito ng panahon pero makikita parin ang pagiging classy nito na tila ba inaalagaan pa rin sa gitna ng bawat emosyon na pumapaligid sa masion na ito. Sabi ng ilan na matagal na ang mansion na ito at ipinamana sa kasalukuyang may-ari ng mansion. The house is loomy as what I expected. Pinarada ko ang motor sa may garahe.

"Magsimula ka na." Aba't tong babaing to. Hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus sa pag-aayos ng lens ng camera ko. Maging siya rin. Inadjust ko upang makakuha ng maayos na kuha. Ito ang trabaho namin ni Wena. Pareho kaming photographer.

Bridging Boundaries Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora