Chapter 15

23.6K 996 535
                                    




Maru's POV

"Bakit po?..." parang nagdadalawang isip na ituloy ni Kevin ang sasabihin nya pagkatapos kong itulak si Acey paalis sa ibabaw ko.

"Babe!" angal nung isa. Mabuti nga hindi sya nahulog sa kama. "Bakit mo ako tinulak? sarap ng tulog ko eh." dagdag nya pa at umupo. "Oh hi." bati nya kay Kevin. "Teka bakit ang aga mong umuwi?"

"May bomb threat po kasi sa school namin." sabay kaming napa-what ni Acey sa sinabi ni Kevin.

"Bakit hindi ko alam 'yan? sino naghatid sayo rito?" tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinignan kung may sugat ba sya. Mamaya sa sobrang panic nila nang malaman 'yon ay nagsisitakbuhan sila palabas ng school at madapa ito.

"Si Tito Christian po pero umalis rin po agad dahil may meeting po sya. Nandito po pala sila Jessica, sabi ni Tito kung pwede po raw na rito muna sila at susunduin na lang nya po yung dalawa mamaya, nagmamadali na po kasi sya." sabi nya.

"It's okay, busy person talaga si Tito Christian mo." nakangiti sabi ko. Mabuti naman naabutan ni Christian si Kevin. Hindi man lang ako nakatanggap ng text na may bomb threat pala sa school nila. Edi sana ako na nagsundo kay Kevin.

"Alam huh." rinig kong sabi ng isa. Tumingin sa kanya si Kevin na may seryoso ang mukha.

"Bakit po...nasa ibabaw po kayo ni Mommy?" sabi na itatanong nya 'yon.

"Gumagawa kami ng kapatid mo." ngising sabi ni Acey. Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Acey.

"Are you fu─" napatigil ako, nandito pala si Kevin. "No, nakatulog lang Tita Acey mo sa ibabaw ko dahil hindi sya makahanap na komportableng pwesto para makatulog." tinignan ko ng masama si Acey pagkatapos pero sya nakitbitbalikat lang at humiga ulit.

"Okay po." nakakunot ang noong sagot na lang ni Kevin. Mabuti na lang at hindi na masyado pang nagtanong.

"Tara, puntahan na muna natin ang dalawa. Gagawa ako ng meryenda ninyo." sabi ko.

Hindi naman umangal si Kevin nung inaya ko. Naabutan ko ang kambal nanonood ng tv.

"Hello Tita!" masiglang bati ni Jessica habang si James ay nginitian lang ako. "Pasensya na po kung makakaabala po kami."

"No, it's okay. Kumain na ba kayo?" tumingin ako sa orasan na nasa pader. Magtatanghali na pala.

"Hindi pa po, Mommy." sagot ni Kevin at tumabi kay Jessica. Bali pinaggigitnaan sya ng dalawang lalaki.

"Sige magluluto lang ako ng tanghalian natin." nakangiting sabi ko.

"Uhh...Tita" tumingin ako kay James.

"Yes, James?" nahihiyang tumingin sya sakin na pinagtaka ko.

"Tita gusto ni James na tulungan ka po magluto. Gustong gusto nya po kasing nagluluto. Sa katunayan po sya nga po ang taga-luto namin ni Daddy." nakangiting sabi ni Jessica. Manghang napatingin ako kay James.

"Sa edad mong 'yan ay ikaw na ang nagluluto para sa daddy mo at kapatid mo? Ang galing mo naman." nahihiyang napayuko naman si James at napansin kong namumula ang mukha nya. Ang cute!

"Lagi po kasing busy si daddy at naiiwan po kaming dalawa ni Jessica kaya po para may makain kami ay nag-aral po talaga akong magluto. Tsaka po gusto ko po kasing maging chef paglaki." napangiti ako. Bata palang sya ay may gusto na syang marating sa pagtanda nya.

"Ako po tita gusto kong maging police!" nagulat ako sa gustong maging ni Jessica.

"Police? bakit?" bihira lang akong makakita na bata na babaeng gustong magpolice sa pagtanda. Kadalasan kasi na gusto nila, doctor at teacher.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon