Chapter 6

33.7K 1.2K 139
                                    

Chapter 6

Masama ang tinging ipinukol sa akin ni Faerie. Kanina pa niya ako hinihintay, dahil hindi ko siya nai-text na male-late ako ng labas.

Pumasok ako sa kotse. Iniabot niya ang bag sa backseat at inilabas ang kulay itim na jacket.

Inihagis niya 'yon sa akin. "Bata ka ba para magpakabasa sa ulan?" inis niyang tanong. "Kung gusto mo ng sakit, dapat umuwi ka na lang palakad. Nagpakabasa ka na rin lang naman."

Isinuot ko ang jacket at agad na niyakap ang braso niya. "Sorry na. Hindi ko akalaing aabutin ako ng ulan habang nag-iikot kami sa booths."

Kumawala siya sa yakap ko at pinaandar ang sasakyan. "Alam naman kasing mabilis siyang dapuan ng sakit kapag nauulanan. Ang tigas ng ulo mo, Amity!"

"Sorry na," ulit ko. 

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Wala na akong mga magulang kaya ganito na lang siya kung mag-alala sa akin.

"Didn't you bring the umbrella we bought last week?" mahinanon na ang boses niya.

Napangiti ako. Hindi niya talaga ako kayang tiisin.

"Dinala ko, kaso naiwan ko sa faculty room." Nakagat ko ang ibabang labi.

Masama niya akong sinulyapan. "Sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Bakit mo naman naiwan?"

"Si President kasi nagpasama sa booths. Hindi naman namin akalain na uulan," pag-amin ko. "Nagtalo na naman kami. Sa inis ko, sumugod ako sa ulan para iwan siya. He's so persistent."

"Persistent?"

"Na patalsikin ako sa Hasse."

Muli niya akong nilingon. "Ipa-salvage ko na ba?" seryoso ang boses niyang tanong.

"Kaya mo ba?" Kumawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Kung papayag ka, papatumba ko na." Ngumisi siya.

Napailing na lang ako sa biro niya. Nakarating kami sa apartment at dumeretso siya sa kwarto.

"Late na. Hindi ka pa ba uuwi?"

"Wala akong balak umuwi." Humiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata. "Dito ako matutulog. Baka bigla kang magkasakit."

She was really my confection.

Nilapitan ko siya. Yayakapin ko sana siya, pero mabilis siyang gumulong sa kama palayo sa akin.

"Magbihis ka nga muna! Dalian mo at gusto kong kumain sa labas."

"Manlilibre ka?" Wala na akong nagawa at tinantanan siya.

"Yup! Gusto ko ng chicken wings," sagot niya.

Pumasok ako sa banyo dala ang mga damit na pamalit. Matapos kong magbihis ay tiningnan ako ni Faerie mula ulo hanggang paa. I wore a black jeans and a white sleeveless top. 

Bumangon siya at lumapit sa akin. Inakbayan niya ako. "Can I get your number, Miss?"

Natawa ako at inilapit ang mga labi ko sa tenga niya. "Sorry, strict ang sister ko."

Nagtawanan kami at lumabas ng apartment.

Nakarating agad kami sa Warden dahil sa bilis niyang magpatakbo. Maraming tao pero nakakuha pa rin naman kami ng table.

Busy ako pagpili ng pagkain sa menu nang napansin kong may tinitingnan si Faerie sa hindi kalayuan.

"Hey," untag ko sa kanya. "Anong tinitingnan—"

The Charm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon