Chapter 12

9.4K 299 5
                                    

ALTAIR

"Wag kang mag alala, Altair. May trainings pa tayo. Sigurado ako na malalaman na natin ang kapangyarihan mo," nakangiting pagco-comfort ni Lucas sa akin.

"Salamat, Lucas," walang ganang sabi ko.

"Ano ba naman yan! Wag kang malungkot. Smile ka lang. Bagay sayo pag nakangiti eh." Nangbola pa tong si Lucas.

Nakakawalang gana kasi. Lahat na sila may kapangyarihan na samantalang ako wala pa. Naghahanda na sila para sa training ulit. Habang ako, walang ganang nakaupo lang dito sa upuan ko.

"Uy pinapapunta na tayo ni Sir Aaron sa may quadrangle para sa training!" sigaw ni Klein mula sa pintuan.

"Tara na, Altair," yaya ni Lucas na katatapos lang mag-sintas ng sapatos niya.

"Mamaya na."

"Huh? Bakit mamaya na? Ngayon na. Mas lalong hindi gigising 'yang kapangyarihan mo kung hindi ka magtra-training ng maayos." Hinila-hila pa ni Lucas yung kamay ko para tumayo na ako.

"Mamaya na," ulit kong sabi.

"Tss. Sige! Bahala ka," aniya at lumabas ng classroom. Iniwan na nga niya ako.

Haay. Paano kung normal lang pala ako. Paano kung wala naman pala talaga akong kapangyarihan na 'yan? Aanhin ko pa ang training na yan kung wala naman pala? Hala! Baka nga wala akong kapangyarihan? Tsk! Papa naman kasi!

"Uy! Mauna na kami ha?" Paalam ni Eunice na tinanguan ko lang.

Ako at si... Lucius na lang ang natitira dito sa room. Pero paalis na siya.

"Wala ka nang gana mag-training dahil wala na si Lucian dito?" Tanong ni Lucius ng papalabas na sana siya at makita ako.

Inirapan ko lang siya. Bahala siya kung ano ang iisipin niya. Wala ako sa mood ngayon.

"Tsk tsk. Miss Altair, ano ba kasi nakita mo kay Lucian ha?" Tanong pa niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ngumisi siya. "May something talaga sa inyong dalawa."

"Aish! Ano ba kasi yang pinagiisip mo? Walang something-something," padabog akong tumayo at lumabas sa room. Hindi ko na hinintay pa na magsalita pa siya. Nakakainis kasi eh!

Napakadali ko ngayong mainis. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil wala pa akong kapangyarihan kahit sign man lang kung ano.

Pagkarating ko sa quadrangle, naghahanda na sila. Mukang tatakbo na naman kami. Dumeritso na ako kay Lucas.

"Oh? Parang hindi ka na malungkot ah? Mukang galit ka na," salubong sakin ni Lucas.

"Yung kambal mo kasi. Inaasar ako," inis kong sabi.

"Huh? Pasensya na. Talagang ganun yun e. Sakit minsan sa ulo. Ano ba kasi ginawa niya?"

Hindi ako nagsalita. Pero hindi rin siya nagpilit na magsalita ako.

"Okay class! 10 laps lang muna ngayon!" Sigaw ni sir at nagsenyas na para magsimula na kami.

Nagstart na kami na tumakbo sa malawak na quadrangle. Ang boring! Dagdag lang to sa inis ko eh!

Siguro nakakailang laps na ako. Hindi ko na rin kasabay pa si Lucas. Mas mabilis yun eh.

"Psst. Lutang ka ata," biglang sulpot ni Lucius sa tabi ko habang tumatakbo.

"Aish! Lumayo ka nga! Kabadtrip lalo eh," pangtataboy ko sa kanya.

"Oh? Bakit? Naalala mo sa mukha ko si Lucian?"

Bwesit na Lucius! Heto na naman.

"Umiikli na pasensiya ko sayo. Ano ba kasi palaging nasa isip mo? Hindi kami close ni Lucian," tanong ko habang patuloy lang kami sa pagtakbo.

"Tss. Umamin ka na lang kasi."

Huminto ako sa pagtakbo at pati siya.

"Anong aaminin ko?"

"Na may something kayo ni Lucian."

"Ano ba 'yang something? Ha?"

"Something... between you and Lucian. Alam kong naiintindihan mo ang tinutukoy ko."

"Wala," mariin kong sabi.

"Weh? Nararamdaman ko talaga na meron."

"Wala nga. Di nga kami close."

Hinarap niya ako ng maayos. "Hindi raw close pero ikaw yung pinili niya na makasama sa meeting tapos may araw pa sa training na magkahawak kamay kayong dalawa habang tumatakbo."

"Tumigila ka Lucius. Mauubos na pasensiya ko sayo," pagbabanta ko.

"Tss. Umamin ka na!" Pamimilit niya at talagang nakasigaw pa. Kaya ayun, rinig ng classmates ko kaya nagpatigil sila at tumingin samin ni Lucius.

Argh! Ubos na pasensiya ko!

Kailangan pigilan ko ang pagkainis ko! Wala ako sa mood, naiinis ako dahil wala pa akong kapangyarihan, at inaasar pa ako ng isang 'to. Argh. Nagkakahalo-halo na.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

"Woah!"

"Wow!"

"Oh my gosh!"

Narinig ko ang biglang pag sigaw ng classmates ko at mukhang pati na rin ang ibang studyante na nagtra-training din malapit samin.

"Altair! Huminahon ka!" Rinig kong sigaw ni Lucas.

Huminahon?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"A-A-Anong nangyayari?!" Nagpanic ako ng bumulaga sa aking paningin ang nakapalibot na nagliliyab na apoy.

Sunog? Susme! Paanong nag karoon ng sunog sa paligid ko? Male-lechon ako! Ah!

Hindi na ako nakagalaw ng mas lalong nagliyab ang apoy. Halos hindi ko na makita ang nasa labas ng apoy.

Teka, asan na si Lucius? Nasunog na? Pero na aninag ko pa siya kanina sa labas ng apoy.

Paanong ako lang ang nandito? Ah! Papa! Huhu.

May biglang parang naghagis ng tubig para maapula ang apoy kaya nagulat ako. Kaso imbis na maapula ang apoy, mas lalo pang lumakas. Oh my! Huhuhu.

"Altair, huminahon ka lang!" Sa sigaw na yun, kahit hindi ko makita kung sino, alam ko na si Eunice na iyon.

"Huh?! Paano?!" Sigaw ko.

"Isipin mo lang na mawawala ang apoy! Wag kang magambala sa apoy na nakapaligid sayo! Hindi ka niyan mapapano," sigaw naman ni Lucas.

Okay! Okay! Hinga ng malalim, ipikit ang mga mata at isipin ko na mawawala ang apoy.

Tsk! Kahit gulong-gulo ako, ginawa ko parin.

Ilang segundo lang, parang humupa na ang mga parang nagsisigawan. Kaya dahan-dahan ko ulit na iminulat ang aking mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na wala ng apoy na nakapaligid. Ngunit parang sobrang pagod na ako. Nanghihina ang katawan ko.

Tumatakbong papalapit sakin sila Lucas at Eunice.

Argh! Nahihilo ako. Hindi na kaya ng tuhod ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Hinahabol ko na rin ang hininga ko.

Matutumba na sana ako ng saktong nakalapit na si Lucas sa akin at niyakap niya ako.

"Altair, ayos ka lang?" Alalang tanong ni Lucas.

Magsasalita na sana ako kaso di ko na kaya. Gusto ko nang matulog.

May narinig pa akong ilang boses ngunit kinain na ng dilim ang aking paligid...

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon