Chapter 17

23.7K 1.1K 558
                                    



Pagod na umuwi ako galing sa shop, natagalan ang pagsara ko ng shop dahil may isang mayaman na customer na ang tagal mamili ng bulaklak. Nakakahiya naman na sabihan sya na bilisan mamili baka mamaya ipasara nya yung shop ko. Mabuti naman worth it yung paghihintay namin sa kanya dahil madami dami syang nabiling bulaklak.

Nagtaka ako na may dalawang sasakyan na naparada sa tapat ng bahay. May bisita si Acey? para masigurado ay pumasok ako ng bahay.

"Mommy!" isang little handsome ang sumalubong sakin. Nakangiting niyakap ko sya. Nawala bigla ang pagod ko nung makita ang anak ko.

"Tired?" tanong ni Acey na nasa likuran pala ni Kevin. Kinuha nya ang bag ko at inalalayan pa.

"Yeah." umupo ako sa sofa. Umupo naman sa magkabilang side ko ang dalawa.

"Masahe gusto mo?" nagtanong pa sya eh ginagawa nya na nga.

"Juice Mommy?" tanong naman ni Kevin.

"Please baby boy?"

"Coming up!" mabilis na pumunta sa kusina si Kevin.

Napapikit ako sa sarap magmasahe ni Acey. Hindi ko alam na marunong pala syang magmasahe. Sabagay kaonti lang ang alam ko tungkol sa kanya. Kabit sya ng asawa ko na hindi marunong magluto, sya ang author ng paborito kong libro at may sariling publisher at bookstore na sobrang laki at lawak, bestfriend sya nila Jelly at Lorenzo. Maganda, sexy, makulit, paepal at nakakabwisit. Kaonti lang hindi ba?

"Pagod na pagod ka ata Maru." napadilat ako at tumingin kay Jelly.

"Jelly! anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Umupo sya sa tabi ko.

"Binibisita ka at binibisita ang bisita mo." napa-huh ako sa sinabi nya.

"Hey Maru." napatingin ako sa nagsalita.

"Gil? anong ginagawa mo rin dito?" tanong ko rito. Inabutan nya ako ng juice, nag-aalangan na kinuha ko 'yon.

"Well...pwede bang dito muna ako makitulog?" tanong nya at nahihiyang napakamot ng ulo.

Napakunot noo ko. "Bakit?" hindi sa ayaw ko pero nagtataka lang ako.

"Nag-aaway pa rin kasi hanggang ngayon ang mga magulang ko. Ang hirap matulog sa bahay dahil nagsisigawan sila" sabi nya at umupo sa harapan namin.

"Pwede naman kaso wala na kasing bakanteng room" ako naman yung napakamot ng ulo. "Kung okay sayo pwedeng tabi─"

"Okay lang sakin na tabi tayo." putol nya sa sasabihin ko. Napaawang naman ang bibig ko. "Kidding! tabi na lang kami ni Acey." nakahinga naman ako ng maluwag. 

"Hindi ka pa rin nagbabago, Gil." natatawang sabi ni Jelly. "Hanggang ngayon ba naman?"

"Oo naman 'no! hindi naman nawala ang pagkagusto ko sa kanya." sabi ni Gil. Napakunot ang noo ko.

"Kanino ka ba may gusto?" tanong ko.

"Kahit kailan talaga, Maru." sabi ni Jelly. Napasimangot ako. "High school palang nagpapa-cute na sayo 'yang babaitang 'yan pero hindi mo pinapansin." tumingin ako kay Gil na nakangiti.

"Oh tapos?" nakatanggap ako ng hampas sa braso mula kay Jelly.

"Grabe ka naman Maru." sabi ni Gil na umaacting na nasasaktan.

"Ikaw! wag ka ngang harsh dyan." sabi ni Jelly.

"You lose Gil, tigilan mo 'yan." natatawang sabi naman ni Acey napatuloy sa pagmasahe sa likuran ko.

"Tumahimik ka! hindi ka kilala!" sabi ni Gil na ikatahimik ni Acey pero masamang tingin ang pinukol sa kanya.

Malakas naman na tumawa si Jelly. Ako naman ay pasalit salit ang tingin ko sa kanilang tatlo. Hindi ko sila maintindihan. Ito na naman sila.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon