#33: Trevor Montereal

586K 11.9K 650
                                    

~*~

"Ready to go shopping?" excited na tanong ni Jade habang sinusuklayan ang kanyang buhok.

It's Saturday, at buong Montereal Academy ay nagkagulo dahil buong gates ng academy ang bukas. Meaning lahat ng estudyante ay pwedeng lumabas ngayong araw hanggang hating gabi. Isa ito sa mga projects ng Student Governmet para at least kahit isa kaming boarding school ay maramdaman pa rin namin ang freedom paminsan minsan.

"You bet!" sigaw ni Char habang lumulundag sa kama ni Jade.

Umiling naman ako habang nakangisi. Nako ang dalawang ito talaga, may sira ata sa ulo.

"Let's go? Tagal niyo eh." Reklamo ko.

Tumango naman sila at hinablot ang sariling mga bag. Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at lumabas na. This would be my first time to go out with them and have fun. Well sana nga lang ay masaya ang pagshoshopping naming tatlo kahit hindi ko ito hobby.

Nang makarating kami sa labas ng dorm ay nadatnan namin ang mga ibang studyanteng nakaget up pa talaga at lumalabas na ng gate. Yung iba naman ay sakay ang kanilang mga magagarang sasakyan na lumabas ng gate. Teka, kami kaya? Paano kami pupunta ng mall?

"Paano tayo pupuntang mall?" tanong ko.

Bigla namang ngumisi ng napakalaki si Char habang nakatingin kay Jade. Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong bigla siyang namula at yumuko. Anong meron at parang kamatis ang isang to? Tinaasan ko naman ng kilay si Jade at hinihintay ang paliwanag niya. Hindi naman nakapagsalita si Jade dahil may biglang bumusina sa harap namin.

Bumugad sa aming tatlo ang puting Mercedes Benz CLA. Napaiiling naman ako ng makita ko ang driver na bumaba ng kanyang magarang kotse. He's wearing an aviator sunglasses, white polo, cacky shorts and a pair of brown loafers. Damn, Pierce is so hot right now! Siguradong in love na in love na talaga tong kaibigan ko sa kanya.

"O andito na pala ang driver natin!" pangaasar ni Charlotte kina Pierce at Jade.

Siniko ko naman si Char. Wala talagang magawa kung hindi mangasar eh. Tignan mo pumula ng parang mga kamatis tong dalawang to.

"Let's go?" pagyaya ni Pierce.

Tumango naman kami. Pumasok naman kaming dalawa ni Char sa likod at si Jade naman ay inalalayan ni Pierce na umupo sa shotgun seat. Nang makapwesto na kaming tatlo ay umikot na si Perce papunta sa driver's seat at sumakay.

"Ready guys?" excited na tanong ni Char.

"Yes! Let's go." Sabi ni Jade.

Pinaharurot naman ni Pierce ang sasakyan niya.

"Pierce, nasaan si Nathan? Himala at hindi mo kasama." Tanong ko.

Hindi sa miss ko na si Nathan eh araw araw naman kami nagkikita at naguusap. Para-paraan ko lang siguro to para malaman kung nasaan din si Tyler. Simula nung dinala niya ako sa clinic ay di nanaman siya nagparamdam. Damn him! Gusto ko ulit siya makausap. Grrr.

"Nathan? Kasama niya si Tyler, pupunta ata ng bar." Sabi ni Pierce habang nakatuon parin sa pagddrive.

Napataas naman ang kilay ko. Bar? Eh hapon pa ngayon ah. Tapos bar? Tss. Landi ng lalakeng yun sinama pa si Nathan sa kalandian niya! Pag nalaman laman ko na nilasing niya si Nathan mapapatay ko yun. Psh.

"We're here!" sabi ni Pierce at pinark na ang sasakyan.

Nagsibabaan naman kaming lahat at pumasok na ng mall. Gosh, I miss going to malls! Pero nakakabwisit dahil pagpasok ko pa lang ay naalala ko yung pagseselos ko kina Tyler at Amethyst. Damn, simula't sapul may gusto na pala ako kay Tyler.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon