Chapter 24 Ice Goddesses

666 14 1
                                    

Erza's  Pov...

Pagkatapos naming kumain ay ahad kaming nalig dahil mamaya lang ay aalis na kami ng Tantei high at pupunta na kami sa Huntres tribe.

Paglabas ko ng banyo ay nakasuot na ako ng Blue t-shit na may Pegasus sa harap at may pakpak sa likod na kulay puti at dirty white na pants.

Nakita ko naman si Kendra na naka ¾ na pang itaas at black pants and boots. Si Sakura naman ay white t-shirt with black sithro and black skirt.

Si Miyaka naman ay nakasuot ng green longsleeve and black pants. Si Michi naman ay naka-black na sando na nakaparag sa black fitted pants and Almira wearing a high cut shoes and white pedal then the top shirt is black ¾.

Pagkatapos mag-ayos ay agad din kaming lumabas sa Dorm. Nang nasa tapat na ako ng gate dormitory ay bigla kong naalala na hindi ko nga pala nailagay sa likod ko yung pair fan ko.

"Sandali! mauna na kayo! susunod na lang ako!"- wika ko.

" Sandali! saan ka naman pupunta!?"- tanong ni Miyaka.

"May nakalimutan ako, babalikan ko lang!"- wika ko sabay takbo pabalik sa dorm.

Tinakbo ko na yung dorm para mapabilis dahil excited na akong makita sila tita at si mama kung sakaling makikita ko nga sya.

Pagpasok ko ng dorm ay agad kong kinuha yung pamaypay ko at inilagay sa likod ko. Agad din akong lumabas sa dorm pero paglabas ko ay nandoon pala si papa.

" Papa! ano pong ginagawa nyo rito!?"- taka kong tanong.

"Naisip ko kasi na hindi habang buhay ay mahahawakan o mailalagay mo yan sa likod mo kaya nagdala ako nito para matatakan mo na yang pamaypay mo at magagamit mo sya kahit hindi mo sya dinala!"- wika ni papa sabay labas ng maliit na bote.

" Ano naman po iyan!?"- tanong ko pa.

"Healing oil kaya pahidan mo yang pamaypay mo dahil hindi naman pwedeng ako ang magpunas nyan hindi ba?"- nakangiting wika ni papa kaya kinuha ko yung pamaypay ko sa likod ko at agad na pinahidan ng healing oil. Nagsummon naman si papa ng dagger kaya agad ko iyung kinuha at sinugatan yung daliri ko para markahan yung dalawa kong pamaypay.

" Anak! kunin mo iyang healing oil na iyan at ipagamit mo sa mga tao doon sa pupuntahan nyo!"- wika ni papa. May naramdaman naman akong paparating.

"May paparating, papa!"- wika ko at bigla syang may itinurok sa sarili nya at ramdam ko ang pag-alis nya.

Ibinulsa ko naman yung healing oil at naglakad para hindi halatang may kinausap pa ako kaya ako nagtagal. Nakasalubong ko si Kendra at Almira.

" Saan ka ba galing at ang tagal mo? nandyan ba yung EDSA!?"- wika ni Kendra kaya tumawa ako ng mahina at inakbayan sya.

"Ikaw talaga! puro katarantaduhan yung alam mo!"- wika ko sabay lakad habang naka-akbay sa kanya. Sumunod naman sa amin si Almira.

Pumunta na kami sa labas ng Agency para magtungo sa tribo ng mga Huntres. Sumakay kami sa magkaibang sasakyan dahil ang mga boys daw ay didiretso sa white division habang kami ay sa black division.

Pero para makarating kami sa Ice goddess HQ ay kailangan naming dumaan sa Northwest Black division papuntang East Black division kung saan naroroon ang Ice Goddess Headquarters.

Kaso hindi madali iyun dahil maraming Ruthless gangs ang nasa North side ng Black Division kaya dapat kaming mag-ingat.

" Mukhang kabisado mo ang Black Division, Erza!"- wika ni Almira kaya napatingin ako sa kanya.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now