BOSS • 11

103K 1.5K 13
                                    

Marahang nagmulat ng mga mata si Alisson saka wala sa sariling tumitig sa puting kisame ng kwartong kinaroroonan niya at ni Blue.

'Please, let me court you, Alisson.'

Halos hindi siya patulugin ng anim na katagang iyon na binitiwan ni Liam sa kanya, kagabi.

At dahil sa sobrang bigla pa siya sa pag-amin nito ng pagmamahal sa kanya, hindi niya napagtanto na tumango pala siya sa sinabing iyon ng binata.

Ang huling naalala pa niya bago ito tuluyang umalis para umuwi ay ang sinabi nito na, 'I'll make you the happiest girl in the world, sweetie. Thank you for letting me court you.'

Napabuntong-hininga siya kasabay ng muling pagpikit.

She doesn't know what to do. Paano niya pakikitunguhan ang naturang boss habang nanliligaw ito sa kanya?

Aaminin niya na masyado siyang nao-overwhelmed sa mga nangyayari sa kanya ngayon. How could someone as perfect and as successful as Liam love her despite of the fact that she's just an ordinary girl? Hanggang ngayon, hindi pa rin niya kayang paniwalaan kaagad na mahal nga siya nito. Ano ba ang kamahal-mahal sa isang kagaya lamang niya?

Ni hindi nga niya matawag ang sarili na maganda tapos heto at ang isa sa mga pinakasikat at pinapantasya ng nakararaming kababaihan, siya ang ginugusto.

Nilingon niya ang anak na payapa pa rin sa pagkakatulog. She smiled. Maybe, Blue is her lucky charm. Simula kasi ng dumating ito sa buhay niya, ang dami ng magagandang bagay ang nangyari sa kanya and she's thankful for all of it.

Nagpasya na siyang bumangon at magluto ng almusal nila habang tulog pa ang bata.

Wala pa man, naghahanda pa lamang siya ng mailuluto nang makarinig siya ng sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Lalakad na sana siya palapit doon para pagbuksan ang kung sino man na kumatok na iyon pero kusa na iyong bumukas at tumambad sa kanya si Liam.

"Hi!" Bungad nitong bati ng nakangiti. "Good morning."

Gulat man sa biglaan nitong pagdating ay ngumiti rin siya rito.

"Good morning din." Bakit ang gwapo na naman nito? Wala bang araw na hindi niya ito lihim na hahangaan dahil sa angkin nitong kagwapuhan?

Gwapong-gwapo na naman siya rito sa suot nito na kulay light blue na long-sleeves polo at maong jeans.

"Am I too early? Nagising ba kita?" Dumiretso ito sa kusina at kaagad na sinilip ang mga nakalagay sa mesa.

"Hindi naman. Kanina pa akong gising. Magluluto na nga sana ako." Lumakad na rin siya pabalik sa pinanggalingan kanina saka muling sinimulan ang ginagawa.

"Do you need help?"

Napatingin siya rito at nakitang inilililis na ang manggas ng suot na polo. Mabilis siyang umiling para mapigilan ang tangka nitong pagtulong sa kanya.

"Huwag na. Ako na lang. Baka marumihan pa ang suot mo. May lakad ka yata ngayon."

The man suddenly form a small grin on his face as he look at her. "Okay. If you insists. Manonood na lang ako sayo dito."

Lihim siyang naalarma doon.

Paano siya makakapagluto ng maayos ngayon na alam niyang manonood sa kanya ang binata? Paano siya aakto ng normal gayong hindi na magkaintindihan sa pagtibok ang kanyang puso?

She tactically cleared her throat. Ano pa bang magagawa niya? Ang sama namang ng ugali niya kung itataboy niya ito gayong tahimik lamang naman itong nakaupo at hindi siya ginugulo.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon