CHAPTER 40: WE'RE GOING HOME
"From now on, I won't let you slip your hands from me. I will hold you tight forever."
- -
/KAI/"Wala na ba kayong naiwan?" wika ni mama habang nakatayo ito sa tapat ng kotse ko. Katabi pa nito ang asawa nyang nakamasid lang sa pagaayos ko ng mga gamit ni Dasuri. Sasama na kasi sya sa'kin pabalik ng bahay. Kasalukuyan kong inilalagay sa compartment ang mga gamit nito.
"Siguro ho, mama." sagot ko pagkasara ko roon.
"Sandali lang, eto pa.." lumabas naman mula sa gate ng bahay ang asawa kong may dala-dalang isang bag na nakasukbit sa likod nya. Dali-dali ko naman itong nilapitan.
"Ano naman laman ng mga 'to?" Kinuha ko sa kanya 'yung bag. Sa pagkakaalala ko, wala namang dalang gamit si Dasuri nang lumipat sya dito sa parents nya. So bakit sangkatutak ang bitbit nya pabalik sa bahay?
"Mama, Papa, anong oras 'yung flight nyo? Gusto nyo bang ihatid namin kayo?" Hinarap nya ang parents nya habang ipinasok ko naman sa loob 'yung gamit nya.
"Hindi na anak, alam naman naming marami pa kayong dapat asikasuhin sa paguwi mo sa bahay nyo. Baka mapagod ka pa. Kaya na namin 'yon." Nakangiting pahayag ni mama.
"Tama ang mama mo. Hindi naman ito 'yung unang beses na aalis kami. Hindi ka pa ba sanay?"
"Kaya nga nagtatanong ako e." Nakanguso namang sagot ni Dasuri. "Basta magiingat kayo 'don ha. Ikaw papa, wag mong masyadong pasasakitin ulo ni mama. Ikaw naman mama, laba-labas din ng bahay. Ang putla-putla muna kakatago sa lunga." Napangiti ako sa aking nasasaksihan. Akalain mong nagagawa ni Dasuri ang sarili nyang mga magulang? Ibang klase talaga ang asawa ko.
"Aba, kami pa talaga ang binilinan mo. Ikaw ang umayos dyan. Mag-aral kang magluto hindi 'yung asawa mo lagi ang nagaasikaso sa kakainin nyo. Ikaw ang babae, baka nakakalimutan mo." napaismid naman si Dasuri nang marinig 'yon. Dahil pakiramdam ko'y napagtutulungan na 'yung asawa ko. Sumingit ako sa usapan nila.
"Okay lang ho 'yon ma, tinanggap ko sya ng ganon sya. Ano ba naman ang magluto araw-araw kung kapalit naman ay makasama sya habang buhay? 'Di ba wifey?" Ipinulupot ko pa sa ang braso ko sa balikat ni Dasuri. Lumingon ito sa'kin saka ngumiti. Binalingan pa nya muli ang parents nya at saka dumila sa mga ito.
"Haba ng hair ko 'no? Haha."
"Ashush, lumaki naman agad ang ulo ng batang ito. Sige na, umalis na kayo't nakaayos naman na ang lahat. Kami na ang bahala ng papa mo sa bahay." pahayag ni mama.
"Mag-iingat kayo." Muling niyakap ni Dasuri ang mga magulang nya bago kami tuluyang umalis sa harap ng mga ito. Pinagbuksan ko sya ng pinto sa kotse. Hinintay ko munang makaupo ito ng maayos sa loob bago ako nagtungo sa kabilang side at pumasok roon.
"Mamimiss ko kayo mama, papa." Batid ko ang lungkot sa boses ng katabi ko. Alam ko namang kanina pa nya itinatago 'yon.
"Bisitahin nyo kami sa Amerika, okay?" saad ni mama nya.
"Kai, iho, take care of my daughter." Tumango-tango ako sa papa nya at sumagot. "Makakaasa ho kayo. Papa" Binuksan ko na 'yung makina ng kotse at dahan-dahan itong pinaandar. Hindi parin inaalis ni Dasuri ang tingin sa kanyang mga magulang hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Wala na itong choice kundi ang umayos ng upo kagaya ko.
She took a deep breath, "Aalis na naman sila..." bulong nito. Sandali akong sumulyap rito. She looks sad. Bagsak ang mga balikat nito at bahagyang nakayuko.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias