Chapter 87: Return

1.1K 40 4
                                    

~*~

(Frank's POV-Present)

"Paumanhin, hindi ko talaga inaasahan na s'ya iyon. Iilan lamang ang nakakaalam ng lugar na ito, akala ko kalaban kaya pinatulog ko agad."

"You almost killed him, correction."

"I'm sorry."

"I understand. Paano na iyan, hindi na matutuloy ang paglalakbay?"

"Matutuloy kinabukasan."

"Masusunod. Salamat."

Nakarinig ako ng pagsara ng pinto, kasabay ang pagtahimik ng paligid. Si Cashmere at Amanda ba ang nag-usap kanina? Kung ganun si Amanda ang nagpatulog sa akin, ang sakit ng batok ko sa kanyang paghampas, hindi ko sya masisisi. Ngunit anong pinag-uusapan nila kanina? Anong paglalakbay?

"I know you're already awake."

Napamulat agad ako ng aking mga mata, alanganamang ilong? Patawa ka rin eh no?

"Maglalakbay sana kami papunta kila Teressa kung hindi ka sana sumulpot." Bagot nyang sabi na ikinasimangot ko. Sya na nga ililigtas ko dito di ba?

"Hindi mo rin ako kailangang iligtas Ice, hindi naman ako pinagmamalupitan ni Amanda. The truth is, I'm happy with this life." Dagdag nya pa.

"Hindi ako nagtatanong." Sagot ko sa kanya na ikinairap ng kanyang mata.

"I just know you." Giit nya. "So, what do you need?"

Seriously?

"I don't need anything Miss." Taas kilay kong sagot.

Kailangan bang pagpumunta may kailangan na? I'm just checking her......fine fine, ililigtas ko dapat but no need na daw because she's fine. Tss. Whatever.

Inirapan nya lang muli ako bago naglakad patungo sa upuan malapit sa kinahihigaan ko pagkatapos ay umupo roon at dumikwatro.

"Kamusta sila?" Mahina nyang tanong sapat na upang marinig ko.

"They're okay. Hinahanap ka namin nila Dennis, Andrei at Rosby nung mga nakaraang araw bago kita mahagilap, yung iba may inasikasong mahalagang bagay at sina Rence, Patrick, at Matthew, hindi namin mahanap."

"M-Matthew?" Gulat nyang tanong.

"Ay hindi si Rebecca, may kilala ka bang Rebecca? Di ba wala? Kaya malamang si Mat---aray! Masakit ah!"

"Hindi kita tinatanong!"

"Hindi rin kita sinasagot, hindi tayo talo! Maghunus dili ka, kadiri ka."

"You jerk!"

"You clumsy!"

Napangiti na lamang ako ganun din sya. Err, how I miss this.

"Crazy bastard." Sambit nya ng nakangiting asong dilag.

"Crazy woman." Bwelo ko naman.

Nag-stay kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto nang mapansin na naming muntanga ka---sya. Oo sya, bat ko dadamay sarili ko? Ano ko tanga? Tss.

Peke syang tumikhim bago ilandas sa akin ang kanyang paningin.

"Paanong nadamay si Matthew rito?" Bakas sa boses nya ang pagtataka.

"Hindi ko alam, nung mga panahong wala ka sa control, doon sya sumulpot."

"Hindi ka nagtanong?"

"Obviously not."

Napakunot noo si Cashmere bago mapahawak sa kanyang baba na wari'y nag-iisip, sus wala sya 'nun!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon