Chapter 4

142K 4K 220
                                    

"So what you're saying is that Ms. Femora here was the one who stole the missing 150 million pesos?" Tanong ni Keith sa isang board member. "That's a huge issue you're bringing Mr. Morales."

Naninibago ako sa kinikilos ni Keith. Parang ibang tao siya ngayon. Bukod sa unang beses ko siyang nakitang sobrang ayos ng itsura, masiyado ding seryoso ang aura niya. Wala ni anong bakas ng katamaran, na kagaya ng lagi mong makikita sa kanya. He's also wearing glasses, I think he's the only man who can still look sexy as heck while wearing those nerdy glasses.

"Yes. Who else could it be?" Sagot naman ni Mr. Morales. "Bukod sa aming lahat at sa CEO siya lang ang may hawak ng tungkol sa pera na pumapasok sa kumpanya. Besides, she did not inform any of us that a big amount of money is missing."

Nagsitanguan ang iba.

"I di-" Keith suddenly motioned his hand to stop me, hindi ko na natapos ang dapat sana ay sasabihin ko upang depensahan ang sarili ko.

"So tell me Mr. Morales, who informed you?" Natigilan naman siya doon. Tumingin siya sa ibang board members at lahat sila nagsiyuko, except for Ms. Montereal. Walang bakas ng kahit anong pag-aalala sa mukha niya, she even has an amused expression on her face habang nakatingin kay Keith. The thought made me want to drag him out of this conference room.

"I -uh." Utal na sabi ni Mr. Morales. Hindi na rin siya makatingin sa amin. "It's confidential."

"Did you know that I own 25% of this company. Almost the same as my sister, so I have the same power as her. Besides, right now I'm the bloody CEO of the company so you might as well tell me. Before we do something drastic." Seryosong saad ni Keith.

"I-I can't." Sagot ni Mr. Morales.

"Well then. You don't have any right to accuse someone of being a thief without it being investigated." Nakakatakot na sabi ni Keith. Masama ang tingin niya kay Mr. Morales na ngayon ay namumutla na. "Ms. Femora could file charges against you're action, and I would gladly be a witness."

"I-I'm sorry." Nakayukong sabi ni Mr. Morales. Tinignan ni Keith ng malamig ang iba pang board members na nasa harapan niya.

"Anyone who still have an opinion?" Tanong nito. Wala namang sumagot. "This issue will be go under investigation. If I found any anomaly that involves any of you, you'll be f-ucking fired."

"You can't-" Sabat ng isang board member pero hindi na siya pinatapos ni Keith.

"Oh, I can Ms. Santiago. Especially now that my sister is having the thought of making me the new CEO of the Dawson Enterprises." Sumandal siya sa upuan niya na parang bored na bored. Pero ang cool lang tignan. "Anyone else?"

Walang kahit isang umimik. Kahit nga ako natakot sa kanya eh. Nang walang magsalita ay tumayo na siya.

"Meeting adjourned." He went inside his office using the connecting door from here.

Mabilis na nagsitayuan ang mga nasa lamesa at halos magpaunahang makalabas. Naiwan naman akong naka-upo dito. Hanggang ngayon hindi mag-register sa utak ko ang nangyari. Bakit ako ang sinisisi nila? At bakit bigla nalang may mawawalang pera? I check the accounts almost daily.

"Jaqie, you okay?" Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Warren. So far siya lang ang lalaking kaibigan ko na member ng board. Tumango nalang ako. Magsasalita pa sana siya pero narinig ko si Olive na tinawag ako kaya napalingon kami parehas sa kanya.

"Ma'am Jaqie pinapatawag po kayo ni Sir Keith." Tumango ako sa kanya at sinabing susunod ako.

"Hey I don't blame you okay?" Hinawakan niya ako sa balikat. "See you."

Tamed by the Billionaire (LOB series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon