chapter #10

681 41 56
                                        

jaemin's pov

mahal ako ng babaeng mahal ko. mahal rin ako ni dan! kala ko ba si jeno-? pero tinulungan pa ni jeno na umamin sakin si dan...

so nag-emote ako sa wala? ganon?

hayaan mo na... ang mahalaga, alam ko nang mahal namin ang isa't isa.

nakatitig lang ako sa kanya, di ko mapigilang di mapangiti. ang bakla pero- kinikilig ako, inaamin ko na!

"mahal kita jaemin... pero hayaan mo na, ako na mismo yung lalayo. alam ko naman kasing hanggang magkaibigan lang talaga tayo eh. di naman sa nagrereklamo ako, di rin naman sa ayaw na kitang maging kaibigan..." nakikinig ako sa sinasabi ng babaeng mahal ko, nang makita ko sila yuta at hansol hyung na papalapit sa kanya na may dalang panyo,

anong gagawin- YUNG WEDDING BOOTH! ni-register ko nga pala yung pangalan naman kanina!

umiling-iling ako sa kanila pero di nila ako pinapansin. naramdaman ko nalang na may nagtakip ng mga mata ko, at nadinig yung mga sigaw ni dan.

aba- MALAY KO BA KASING MAG KO-KONPES TONG BESPREN KO SAKIN?!

hinayaan ko nalang silang dalhin ako kung saan, at nung maramdaman kong huminto na kami, tinanggal na nila yung blindfolds namin.

"a-aray!" sigaw ko at hinawakan yung pisngi ko. sinuntok lang naman ako ni dan! kahit kelan talaga tong babaeng to

"ay hala jaemin, sorry! di ko sinasadya, always ready nga ako diba?! teka- ano ginagawa natin dito? dito mo ba ako irereject? sa wedding booth pa talaga ha? tanggap ko naman na di mo ako--"

hinawakan ko sya sa pisngi at hinalikan sa labi nya, halatang nagulat sya pero tinawanan ko lang sya ng mahina, "kahit na ang daldal mo eh, kaya naman pala kitang patahimikin."

pinalo naman nya ako sa braso, "letse ka jaemin!" sabi nya habang pinapalo ako sa dibdib ko kaya hinawakan ko yung kamay nya para tumigil sya,

"shh, wag mo namang saktan yung groom mo?"

"a-anong groom?"

"tama na landian oh. di pa kinakasal eh, nagkiss na agad? ano to?" sabi ni doyoung hyung na bitter kahit kelan. inirapan nya lang kami at umupo na sa pwesto nya.

"ehem, silence please. magsisimula na ang kasal." sabi ni johnny hyung at inayos yung damit nya.

nagsimula na nga yung wedding ceremony kuno, na ewan ko ba kung solemn talaga kasi kung ano ano yung sinasabi ni hyung. natatawa nalang kaming lahat na nandito sa booth.

"do you, jaemin na, take princess-"

"sabi nang wag nyo ako tawagin sa full name ko eh aba!"

"oo na, arte ne'to! take two. do you jaemin na, take danica jeon as your husband- este wife?" tanong ni fr. johnny sa akin. napatingin ako kay dan at ngumiti. umiwas naman sya ng tingin sa akin, aba? panget ba ako?

di ko nalang yun pinansin, kinikilig siguro haha! "i do." sagot ko

napatingin naman si fr. johnny kay dan para sya naman yung tanungin, "do you danica jeon, take jaemin na as your husband?"

napatingin din sakin si dan, "i-i do?" sagot nya.

inabot naman samin yung wedding rings- yung plastik na nabibili lang ng tig pi-piso dyan sa kanto. sino nagisip ne'to, ang cheap nila! natawa nalang kami at sinuot sa isa't isa yung mga singsing. ang korni!

"you may now hug your bride."

niyakap ko si dan nang mahigpit na mahigpit. matagal ko na tong gustong gawin sa kanya eh.. kaso di ko magawa kasi duwag ako. di ko kayang sabihin yung nararamdman ko para sa kanya na matagal ko nang tinatago. ngayong alam na nya, di ko maiwasang matuwa para sa sarili ko.

bakit 'di ka crush ni na jaemin?Where stories live. Discover now