Chapter 2

308K 6.1K 682
                                    

Nakatukod ang mga siko ni Dock sa mesa habang ang magkasalikop na kamay ay nasa ilalim ng baba at pinagmamasdan si Geallan na nakaupo sa harapan niya. Kasalukuyan silang nasa lanai yacht charter sa upper deck, magkaharap na nakaupo sa mesa habang pinagsasaluhan ang almusal. Pinagpalit niya muna si Geallan ng damit. May mga damit pang babae naman sa yate niya. Damit ng kapatid niyang babae. Minsan ang mga ito ang gumagamit ng yate kaya may gamit ang mga ito sa sarili nitong mga cabin.

"Hmm! Ang sarap sarap naman nito!" She looked so happy chewing as she hummed with not a care in the world. Mukhang nakalimutan na rin nitong kasama siya. Bawat detalye ng mukha ay sinuri ng kanyang mata, at imposibleng makalimutan niya pa ang anyo nito sa ginagawa niyang pagtitig sa babae.

Napakaganda! An innocent beauty that somewhat hard to find nowadays. She was carefree, and doesn't even try to impress people around her.

He cleared his throat to get her attention, but it's useless dahil mukhang wala itong balak pansinin siya.

"Bakit mag-isa kang nangingisda? Wala ka bang kapatid na lalaki o 'di kaya naman ang tatay mo. Sila dapat ang gumagawa ng ganyang trabaho." Natigil sa pagnguya si Geallan at nag-angat ito ng tingin sa kanya. Ang kasiyahan sa mukha nito ay nahalinhinan ng kalungkutan. She smiled sadly. Inabot nito ang fresh orange juice at uminom matapos maubos ang laman ng bibig.

"Dalawa lang kaming magkapatid. Parehong babae. Si Tatay naman, matagal ng patay. Dati kasi may kasama akong nangingisda, kaya lang..." mas lalong binalot ng kalungkutan at sakit ang mukha nito na parang may masakit na alaalang bumalik.

"Kaya lang?" He urged her. She smiled sweetly to mask the pain.

"Kaya lang wala na, eh!" She said with a shrug.

"Ikaw, bakit nandito ka?" Tanong nito at parang pilit na iniiba ang usapan.

"Namasyal lang." Tumango-tango ito saka muling sumubo.

"Ang ganda ng yate mo. Puwede ba akong umikot dito bago ako umuwi?"

"Sure!"

Matapos mag-almusal ay inikot nga niya si Geallan sa buong yate. She was highly impressed on every part of the yacht that she saw. Panay ang bulalas nito ng 'wow'. Nang buksan nito ang isang pinto at sumilip sa loob muli itong suminghap habang umuusal ng 'wow'. Nilingon siya ng dalaga.

"Kuwarto mo ba 'to?" Tumango siya.

"Pasok ka para makita mo." Nasa mukha nito ang pag-alangan. Alam na niya ang nasa isip nito.

"Just trust me. Wala akong gagawing masama sa 'yo." Tipid itong ngumiti saka pumasok.

"Ang ganda!" Lumapit ito sa kama at hinaplos iyon. Bahagyang idiniin ang kamay sa kama nang makailang beses bago ito umupo at bahagyang nagbounce.

He leaned against the door frame, his arms folded across his chest. Silently he had watched Geallan bouncing on the edge of the bed, awed by her form and her sheer innocent beauty. Para itong batang ngayon lang nakaupo sa kutson. Her features were delicate, creating an overall impression of sweetness.

The delicate shape of her slender neck and shoulders drew his eyes. The thin straps of her bright yellow dress revealed the delicate ridges of her shoulder blades, collarbones and upper arms. It was intriguing and made Dock wanted to run his tongue along her skinny shoulders. He wondered if her skin would feel smooth as it looked.

Humaplos ang mata niya pababa sa payat nitong braso. Ano kaya ang pakiramdam kung nakapaikot ang braso nito sa leeg niya habang magkapatong sila sa kama na 'yan at kapwa hubad.

"Puwede ko bang tingnan ang banyo?" The sound of her voice cut through his half-baked fantasies. He blinked several times before drawing his gaze back to her face.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon