XII

13.9K 647 438
                                    

Loving is always a prettier way of living.



Gwen Point of View






Chapter 12 - Unfold past







"Besh bigyan mo naman ako ng number ni Gabriel." Pangungulit na naman ni Rob. Kahapon number ni Jervy ang hinihingi, ngayon number na naman ni Gabriel.







"May syota kana di ba? Kelangan talaga laging may reserba?"







"Excuse me! Break na kami, huli kana sa balita!" at nagflip-hair pa si bakla. Proud pa siya niyan ah. Nako, kung naging straight lang 'to baka puro pagpapaiyak lang sa babae ang gawin nito. Buti nalang lumiko si gago.







"Tch. Nagtagal man lang ba kayo nun?" Tanong ko habang di pa rin tumitingin sa kanya. Busy akong magscroll sa twitter.







"Oo naman teh! 5 months kami ng tubol na yon."







"Sana lahat ng naglolokohan nagtatagal. So, kelan niyo narealize na ginagago niyo lang ang isa't-isa?" natatawang tanong ko. Inirapan niya ko.






"Ehem. Baka gusto niyong tanungin kung ilang taon na kami ng bibi ko?" Nangingiting pasaring ni Skylie na busy sa pagrereview. Napasulyap ako sa kanya at ngumiti.







"Ays, h'wag kang makisali sa usapan ng mga walang jowa. Magreview kana lang dyan!" Bara ni Roberto. "Pero, at least ako nagkajowa," ngisi nito sabay sulyap ng nakakaloko sa'kin at nagflip hair na naman. Napahinto ako sa pinagkakaabalahan. Natawa naman si Skylie.







Aba, bastos 'to ah!







"Roberto, ako ba yun?!" Maangas na tanong ko.








"Bakit affected ka?"







Hayp!








"Mamaya sa'kin 'yang hair extension mo!" Banta ko sabay balik sa pagscroll sa twitter. Nagrereview din siya sa lagay na yan ah, pero ang lakas pa rin dumaldal.







"Pero besh, ano na? Dali na. Pahingi na ng number niya. Pleasseeeeee!"








"Wala nga! Wala. Wala. Wala! Ang kulit! Ano bang nakita mo dun kay Gabriel at naging interesado ka? Magreview ka nalang din kaya diyan!"








"Feeling ko kasi siya na ang unang lalaki na iiyakan ko," sabay pikit niya ng mata at nagdaydream.







"Sus, wag nga kami. Di mo ba iniyakan yung mga ex mo? Kunwari ka pa."







"Hindi talaga! They were not worth my tears," maarteng sabi niya. "Sige ganito nalang...facebook niya?"







"Walang facebook si Gab."








"Talaga? Aww, cute."







Tangina, anong cute dun?






Ewan ko ba dun kay Gabriel. Sabi ko gumawa ng facebook dahil lagi akong nagpopost ng announcement namin sa gc. Ayaw niya, toxic daw. Simpleng pag-install lang naman ng messenger hinihiling ko di niya pa magawa. Totoo namang toxic ang facebook, it's just that normal nang may gc ang klase niyo kesa naman idaan sa group message sa text kaso...mas uunahin pa nung mokong na yun ang paglalaro. Ang tamad niya lang talaga.







Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon