Chapter 20

25.6K 975 91
                                    



Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. Tumingin ako sa paligid hanggang sa taong nasa tabi ko. Tumingin ako sa orasan. Alas otso na pala ng umaga. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Acey na nakayakap sa bewang ko. Umupo ako sa kama at nag-unat.

Tumingin ako sa taong natutulog sa tabi ko. Sobrang himbing ng tulog nya at humihilik pa. Marami syang nainom kagabi na halos nakalhati nya ang mga inumin namin. Ewan ko kung may problema ba ito dahil dire-diretso syang uminom. Oh well, good luck na lang sa kanya pagkagising.

"Mommy!" nagulat ako nang biglang sumigaw si Kevin. Dali-dali syang lumapit sa higaan.

"Good morning baby boy." nakangiting bati ko at hinalikan sya sa pisngi.

"Good morning din po mommy. Nagpakalasing po si Tita Acey?" tanong nya habang nakatingin kay Acey.

"Ah yeah kaya wag mo syang gigisingin baka masapak ka nyan." natatawang sabi ko. "Kamusta naman kayo kagabi? nagpuyat ba kayo?" hindi ko na sila nadaanan kagabi dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang room ni Acey.

"Hindi po namin namalayan ang oras pero masaya po kaming naglaro! laging talo sila France at James samin ni Jessica." masayang sabi ni Kevin. Mukhang nag-enjoy naman sya kagabi.

"Eh nasaan na silang tatlo? pumunta ba sila sa mga magulang nila?" panigurado kasing tulog pa ang mga 'yon dahil ako lang naman yung hindi masyadong uminom kagabi.

"Natutulog pa rin po. Mommy, gutom na po." sabi nya.

"Sige, magbibihis lang ako at kakain na tayo." sabi ko sa kanya at kumuha ng damit.

Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo kami sa resto. Habang kumakain kami ni Kevin ay panay ang kwento nya kung ano nangyari sa kanila kagabi. Hindi lang daw sila naglaro ng xbox, nag-pillow fight rin sila at nag-movie marathon, um-order rin sila ng pagkain dahil nagugutom sila. At base sa sinabi nya ay mukhang umabot sila ng madaling araw. Nakadalawa sila ng movie at yung pangatlo nila kakaumpisa palang daw ay nakatulog na sya, hindi nya raw alam kung anong oras na nakatulog yung tatlo.

Si Kevin kahit puyat sya ay basta kapag nagugutom sya ay gigising sya at gusto nyang kumain kaya pumunta sya sa kwarto ko kanina.

"Kayo po mommy? anong oras po kayong natulog?" tanong nya.

"Siguro mga ala una na kami nakabalik sa room dahil ayaw pa nilang umuwi." sabi ko.

Lalo na si Gil na dahil may kasama itong babae kahapon at nakikipag-make out pa. Nagtataka talaga akong kung seryoso ba talaga ito na may gusto sya sakin dahil nagawa nyang makipag-make out sa harap ko. Si Christian naman ay nakikipagkwentuhan na lamang kanila Francis at Acey pagkatapos nyang sumayaw tapos kami ni Jelly naman ay nagkwe-kwentuhan din.

"Pagkatapos nito gusto mo bang maglibot-libot muna tayo?" aya ko kay Kevin.

"Sige po, sige po!" napangiti ako sa sobrang excited nya kaya mabilis nyang inubos ang pagkain nya.

Pagkatapos namin kumain ay naglibot-libot na kami sa buong resort. Mabuti na lang ay may dala akong cellphone dahil sobrang ganda ng lugar. Halos si Kevin ang pinipicturan ko na minsan ay stolen pa lalo na kapag sobrang cute nya.

Nung bandang alas onse na ay bumalik kami sa room namin. Dumiretso kami sa kwarto namin, nadatnan namin si Acey na hawak-hawak ang ulo nya habang ang isang kamay nya ay may basong tubig.

"Tita Acey!" mabilis na lumapit sa kanya si Kevin.

"Hey kiddo." nakangiwing sabi ni Acey. Napangisi naman ako. Inom pa kasi.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon