Chapter 15

9.9K 283 8
                                    

ALTAIR

"Kyaaah!!"

Naalimpungatan ako sa isang sigaw.

"A- Anong nangyayari?" antok kung tanong habang nakapikit.

"Gising na, Altair! Andito na yung liham at mapa!" Halos sumisigaw na si Eunice habang niyuyugyog ako.

Iminulat ko ang mga mata ko at dahan-dahang umupo sa kama ko. Nakatulog kasi ako nang makabalik na kami rito sa dorm mula sa classroom.

"Heto ang para sayo," masayang inabot sakin ni Eunice ang dalawang white envelope na kinuha ko naman.

Binuksan ko yung isang envelope at binasa ko yung papel na nakapaloob.

=-=-=-=-=

To Altair Chancelor:

Ikinalulugod naming mga guro na nagising na ang iyong kapangyarihan at napagalaman na pagmanipula sa 'apoy' ang sa iyo. Ikinagagalak ni Victoria Reyes na ikaw ay turuan ng pagkontrol nito kasama ang iba pang estudyante. Ang pangkat niyong mga nakakapag manipula ng apoy ay mapapabilang sa Red Army.

Elemental Gunji-teki Academy

=-=-=-=-=

"Victoria Reyes? Sino yun?" Lutang kong tanong kay Eunice pagkatapos kong basahin ng makalawang beses ang sulat.

"Hmm... Siguro yun ang magiging adviser mo."

Napatampal na lang ako sa noo ko nang marealize ko nga iyon. "Ay oo nga pala."

Mukhang tulog pa ako.

Binuksan ko naman ang pangalawang envelope. Naglalaman ito ng isang mapa at isa pang sulat. Sa sulat nakasaad kung papano babasahin ang mapa.

"Ito ba ang kabuuang mapa ng Elemental Gunji-teki Academy?" Hindi ko paniwalang tanong sa sarili ko habang tinititigan ang mapa.

Napa wow ako dahil ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng academy.

Napakalawak pala nito. Yung quadrangle namin na palaging pinag tre-trainingan ay napaka liit lamang dito sa mapa.

Ayun sa sulat, ang classrooms at ng freshmen ay ang pinakamalapit sa may gate ng academy. Tinawag ito na Freshmen section.

Sinasabi din sa sulat na may labing limang division ang academy na nasa likod na bahagi ng Freshmen Section. Tinawag naman ito na Trainee Section. Sa bawat division ng Trainee Section ay ang sinasabing magiging training area ng isang uri ng kapangyarihan.

Nakita ko sa mapa na may binilugan ng pulang ink ang isang division. Nakasulat rito ang 'Red Army Division'.

"Ito bang Red Army Division ang pupuntahan ko bukas?" Tanong ko kay Eunice na abala din sa pagbabasa ng sulat na para sa kanya.

Tiningnan niya ang mapa ko. "Oo. Ang layo ng agwat ng division natin," aniya.

Napatingin naman ako sa mapa na hawak ko at hinanap ang Crystal Army Division.

Oo nga. Ang layo. Pag pasok namin sa Trainee Section, mag hihiwalay agad kami dahil mag-iba ang tatahakin naming daan papunta sa sarili naming division.

"Altair, hindi ka ba nagugutom?" biglang tanong ni Eunice.

Umiling ako. "Parang hindi naman."

"Gabi na kasi."

Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Inabot ako ng gabi sa pagtulog?

Bumangon ako sa kama ko at patakbong tumungo sa may bintana.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon