Chapter 88: Traitor

1.1K 37 3
                                    

Hi to you TiffanyDelgado_1692, this chapter is dedicated to you. Thank you for the compliment and the message! Wah! I love you all readers! Muah.

Visit our facebook page: http://wattpad.hountonidaisuke.facebook.com/



~*~









(Cashmere's POV)







Simula pa lamang ay nagtaka na ako. Si Matthew, anong kinalaman nya't gusto nyang tumulong? Labas ang kanyang trabaho rito, labas ang trabaho nya sa akin dito.

Noong ibinigay nila ako kay Amanda, bakit sya naroroon? Hindi ko lubos maisip ang mga nangyayari kaya dali-dali kong hinila paalis si Ice nang sabihin iyon ni Amanda.

Wag naman sanang mangyari ang iniisip ko. Hindi kailanman mangyayari ang mga kapabayaang iyon. Hindi maaaring makasama si Matthew rito at ayokong alamin ang balak nya sa mga kaibigan ko.

Tama, kaibigan ko pa rin sila. Napangiti na lamang ako ng mapakla as we headed by in the black dimension, kapit kamay kaming naglalakad ni Ice sa kadiliman.

May mga nabubuong konklusyon sa utak ko ngunit ayaw nitong iabsorb ng buo. Masyadong masakit..

At ngayon kailangan na naming magmadali, alam kong naroon sya.

Naroon ang kaibigang hindi ko inaasahang masasangkot sa gulong ito.

Sumalubong sa amin ang Butterfly Mist Tree, lumabas kami mula sa punong ito at mabilis na naming tinahak ang pinaggagalingan ng gulo.

Sa akademya. Magbabalik muli ako dito sa akademya.

Napahinga ako ng malalim at pinikit ang mga mata. Pagkadilat ko nakita kong hindi na nakikita ang pisikal kong katawan, gets mo? Hinawakan ko kaagad si Ice at gayundin ang nangyari sa kanya. Naglakad kami ng tahimik sa pasilyo at sakto lamang ang dating namin, mula sa malayo isang lalaki ang nagpakawala ng itim na salamangka at tumama ito sa apat na soul eaters. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at ginhawa ng muli ko syang makita.

"Is this your friend?" Tanong nya kay Michelle na tila napako sa kanyang kinatatayuan.

Nilingon ko naman si Ice at muntik na akong mapabulanghit ng tawa nang makita ko ang itsura nya though, invisible kami, connected pa rin kami so I can see him.

"I'm asking you woman."

"Y-Yes." Namumula na sagot ni Michelle.

This time hindi ko na talaga napigilan ang mahinang hanging tawa, yung walang sound.

"Do you know that she's a traitor?"

Napatigil ang paghinga ni Ice sa narinig na ikinaikot ng aking mga mata. How can he missed this things!

"I think the answer is no."

Napangiti muli ako ng mapakla sa pangalawang beses. Oo nga naman, bakit di nila alam?

"Anong sinasabi mo?"

"Traydor kaibigan mo." Walang emosyong ulit ni Andrew.

"She's not!" Giit ni Michelle na ikinabuntong hininga ko.

"She is. Why don't you ask her?"

Ask her? Mukhang ayaw ko munang malaman ang kanyang rason kaya napagdesisyunan ko nang tanggalin ang harang sa aming abilidad na aking nakopya.

"C-Cashmere." Gulat na wika ni Andrew pagkakita nya sa akin na sumulpot na lamang sa kanilang harapan.

"Tigilan mo sila A-Andrew." Tila may bara sa aking lalamunan ng banggitin ko muli ang kanyang ngalan.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon