Chapter 89: Confused

1.1K 34 0
                                    

~*~




(Patrick's POV)

Kasalukuyan kong nililibot ang palasyo habang hawak ang isang libro tungkol sa kasaysayan nito. Nalaman kong pangatlong hari na pala si Haring Charles rito, at ang susunod na tagapamahala ay si Cashmere.

Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya ang aking kasintahan?

Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa. Sobrang tagal na namin sa lugar na ito, at gustuhin ko mang bumalik, hindi ko maaaring iwan ang aking mga kasamahan.

Tinignan ko muli ang librong aking hawak. Isa ito sa mga magtatapos ng kwentong ito.

"Patrick."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. Nagmumula iyon sa hari na kasalukuyang nasa aking likuran.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Hindi kami nakahanda ng plano para sa gantong pangyayari. Nasaan na ba si Matthew? Kung kailan kailangang kailangan ko sya para manggulo saka naman sya wala. Tss.

"M-Mahal na hari." Kasabay ng pagluhod ko sa kanyang harapan. Hindi dapat nya malaman na kinakabahan ako sa sitwasyong ito.

Sinenyasan nya akong tumayo na ginawa ko naman ngunit nanatili akong nakayuko. Hindi ko ninanais na magkaroon ng dumi sa aming misyong ito.

"Sumunod ka sa akin, kailangan ko ng kumpirmasyon."

Kumpirmasyon? Saan? Para saan? Anong nalaman nya? Alam nya na ba na hindi kami taga-rito?

Lumakad na sya palayo kaya kahit nag-aalangan ay sumunod pa rin ako.

Ugh. I badly need help.

Pumasok kami sa isang silid na punong-puno ng armas pandigma na lalong nagpakaba sa akin. Pakiramdam ko'y may malaking bara sa aking lalamunan dahilan upang di ako makahinga ng maayos at makalunok ng aking laway. Fudge, kinakabahan ako sobra!

"Maupo ka." Turo nya sa dalawang upuang magkaharap sa gitna ng silid.

Dito na ba ako mamamatay?

"Wag kang kabahan, hindi ako mangangagat. Nais ko lamang ng katotohanan." Pagbasag nya sa baga ko na lalo kong ikinakaba.

'Katotohanan.'

Saan ba ako magsisimula tungkol ryan?

"Anong gusto nyong malaman mahal na hari?" Kahit nahihirapan I managed to speak normally.

"Simple lamang naman iyon Patrick."

May kilabot akong naramdaman nang banggitin nya ang aking ngalan. This is bad.

"Sabihin mo lang sa akin ang totoo at hahayaan ko na kayong gumawa ng hakbang." Sambit nya habang pinaglalaruan ang isang shuriken sa kanyang mga daliri.

"A-Ano iyon?"

"Itatanong ko lamang sana kung bakit kayo nasa panahong ito?"

Nabato ako sa aking kinatatayuan nang marinig iyon. Sinasabi ko na nga ba't may alam na sya. Hindi ba kami nag-ingat?

"A-Anong pinagsasabi m-mo?"

"Wag ka nang magkaila bata, hindi ako tanga para malinlang ng mga kagaya nyong wala pang halos mga karanasan."

Napayuko ako lalo sa narinig. Tama sya, masyado kaming nagpadalos-dalos sa aming mga pasya.

"Saka....ang mga batang kayo ay nag-aaral pa lamang ng mabuti sa akademya."

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon