Prologue

336K 3K 298
                                    

PROLOGUE


Marami namang ibang babae dyan sa paligid. Mga babaeng alam kong mas higit pa sa kanya.

Mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas responsible, mas maayos, mas matino, mas marunong, mas mabait, mas mapagbigay, mas tahimik, mas mature, mas babaeng kumilos, mas ma-ingat sa sarili, mas marunong umintindi, mas sweet, at mas babagay sakin.

Pero ano nga ba ang mga bagay na meron siya at wala sila? Sa totoo lang, hindi ko rin alam.

Isang araw lang, gumising ako, idinilat ang mga mata ko, at natagpuan ang sarili na hinahanap ang kanyang presensya. Hindi nakukumpleto ang araw ko 'nun kapag hindi ko siya nakikita at hindi nakakasama.

Kahit lagi kaming nagbabangayan, okay lang. Basta't kasama ko siya.

"Hala. Nasaan na tayo?! Lumilindol!! Tsaka masyadong masikip dito baka ma-suffocate tayo!! Waaaaaaa!!"

"Umayos ka nga. Nasa elevator lang tayo. Wag kang OA."

"Ha? Elevator? Ano yun?"

Kahit abnormal siya, kahit ang sped niya, kahit ang gulo niya kasama, at kahit na lagi niya akong iniinis, siya pa rin ang hahanap-hanapin ko bago matapos ang araw ko. Siya pa rin ang unang taong hahanaphanapin ko sa mga oras na walang-wala ako, kasi kapag nakikita ko palang siya, nagiging okay na ang lahat at nakakalimutan ko ang mga problema ko.

Kahit na ganyan siya, wala akong babaguhin. Ayaw ko siyang magbago. Dahil nakilala at minahal ko siya sa kung ano siya.

Siya? She's my probinsyana girl.


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP. Now available on different bookstores nationwide! Visit my Facebook page for more updates and info:http://facebook.com/pajibarstories Please do grab an copy and keep supporting! Thank you so much! 

Book cover illustrated by: itsmechiqui   

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon