Chapter 4

228K 6.5K 296
                                    

ISANG linggo na simula nang umalis si Geallan ng Isla Liwanag at sumama sa kaibigan ng kanyang nanay na si Santina. Hindi  siya makapaniwalang magagawa ito ng kanyang nanay. Pinangbayad utang siya. Sa halagang isang daang libong peso ay nagawa siyang ibigay ng kanyang nanay sa isang recruiter ng mga babaeng nagsasayaw ng hubo't hubad sa isang strip club.

Akala niya ay naloko rin ang nanay niya. Alam pala ng nanay niya na hindi trabaho sa barko ang kanyang papasukin kundi ang paghuhubad sa harapan ng maraming tao. Hindi niya masikmura ang ginagawa ng mga babae rito. Sumasayaw ng walang saplot habang hinihimas ng iba't ibang lalaki sa maseselang parte ng katawan. Sa isang pribadong silid naman ay may nagtatalik habang may mga nanonood.

Anong klaseng lugar ba itong napuntahan niya? Ayaw niya na rito! Gusto na niyang umuwi! Okay na sa kanyang mangisda nalang, tiisin ang pananakit ng ina at ang sakit na makita ang lalaking mahal niyang pag-aari na ng kanyang kapatid. Huwag lang dito! Hindi niya kakayaning magsayaw ng hubo't hubad sa harap ng maraming tao at lalong makipagtalik sa kung sino-sinong lalaki habang pinapapanood ng marami.

Lahat ng babae rito ay hindi pinapayagang lumabas  at bawal din ang gumamit ng cell phone. Napakahigpit kaya hindi siya makahingi ng tulong.

Sana hindi na lang siya nangarap ng mas magandang buhay. Ang tanga-tanga niya para maniwalang maaari siyang magtrabaho sa isang cruise ship gayong wala naman siyang pinag-aralan. 

Ngayon hindi niya alam kung ano ang ipapagawa sa kanya. Sa loob ng isang linggo ay wala naman siyang ginawa rito kundi ang manood ng mga nagpe-perform at isinasama siya minsan sa rehearsal. Pero ngayon pinagbihis siya ng isang pulang hapit na hapit na bestida at halos lumuwa ang dibdib niya. Sumasal ang tahip ng dibdib niya nang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok mula roon si Nessa, isang binabae. Supervisor sa club.

"Geallan, halika na!" Hindi siya tuminag sa pagkakaupo sa kama.

"Halika na! Parehas tayong mananagot kay Boss Rex kapag nag-inarte ka."

Ang Boss Rex na tinutukoy nito ay anak ng may-ari ng club na ito. Nakilala na niya ang lalaki unang araw palang niya rito. Kinikilabutan siya sa mga titig ng lalaki sa kanya. Para siyang hinuburan sa paraan ng pagtitig nito sa buo niyang katawan.

"Geallan!" Tawag sa kanya ni Nessa at sinabayan pa ng indak ng paa. Tumayo siya at dahang-dahang humakbang palapit sa bakla. Hinawakan siya nito sa braso at hinila palabas ng silid.

"Madam Nessa, ano po ba ang gagawin ko?" Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at nagpatuloy sa paghila sa kanya. Habang tinatalunton ang pasilyo ay nakasalubong nila si Kate. Nasa mukha nito ang matinding pag-alala habang nakatingin sa kanya. Isa rin ito sa mga babaeng sapilitang pinagsasayaw rito. May utang din daw ang nanay nito kay Santina.

Huminto sila sa tapat ng pinto ng isang silid. Tinitigan siya ni Madam ni Nessa at malungkot na ngumiti.

"Sana hindi ka na lang kasi nagpunta rito." Hindi niya maintindihan pero may hatid na kilabot ang sinabi nito. Parang bang may mangyayaring masama. Kumatok si Madam Nessa at sinabayan ng tawag ng pangalan.

"Boss Rex?"

"Pasok!" Sagot ng lalaki mula sa silid. Nangpihipitin ni Madam Nessa ang serudara ay humawak siya braso nito.

"Madam Nessa, ano po ba ang gagawin ko sa loob?"

"Basta sumunod ka lang sa gusto ni Boss para hindi magalit." Binuksan nito ang pinto. Kinakabahan talaga  siya. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari.

"Sige na Geallan, pasok na." Marahan siyang itinulak ni Madam Nessa papasok at isinara nito ang pinto. Sinuyod niya ng mata ang silid. Isa itong silid tulugan. May isang malaking kama na na nasasapinan ng puting kubre kama. May maliit na mesa sa kabilang bahagi ng kama. May wine at may kandila.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon