Chapter Sex

336K 6.9K 433
                                    

TUMAYO si Geallan at marahang binuksan ang pinto ng silid at sumilip sa maliit na siwang ng pinto. Mula sa silid ay hindi nakikita ang sala, pero naririnig niya ang boses ni Dock na may kausap, at sigurado siyang boses iyon ni Rex.

"Ito ang tseke mo. Isinusuli ko na at ibalik mo ang babae sa 'kin." Napahawak si Geallan sa sariling dibdib. Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya at halos hindi siya makahinga dala ng matinding takot.

"Sa labas tayo mag-usap." Nang galing iyon kay Dock at hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Muli niyang isinara ang pinto ng silid at ni-lock. Tuluyang nalaglag ang mga luha mula sa kanyang mata.

"Ano na ang gagawin ko? Paano kung ibalik na ako ni Dock?" Usal ni Geallan habang nagpaparoo't parito. Pinipisil ang kamay na nanginginig habang hindi mapakali. Hindi na niya gustong bumalik sa lugar na iyon. Lahat gagawin niya para lang hindi na makabalik pa sa lugar na 'yon. Lahat na mayroon siya isusugal niya.

Hindi alam ni Geallan kung gaano siya katagal sa silid naglagi. Pinakiramdaman ang nangyayari sa labas. Nakabalik na kaya si Dock? Nagdesisyon siyang lumabas. Bawat hakbang ay maingat na parang may patibong na nakaabang sa dinaraanan niya, labis ang kabang nararamdaman. Nang sumilip siya sa sala ay naroroon na si Dock. Nakaupo ito sa mahaba at malapad na sofa. Nakahilig ang ulo sa sandalan habang nakapikit. Ang dibdib nito ay baba-taas dahil sa marahas na paghinga na para bang galing sa pagtakbo.

Napansin ni Geallan ang tseke na nasa mesa. Ano ang nangyari sa pag-uusap ni Dock at Rex? 'Di kaya natakot si Dock dahil makapangyarihan ang pamilya ni Rex kaya ngayon ay ibabalik na siya nito. Para na namang gripong binuksan ang mata niya nang bumuhos ang luha. Humakbang siya palapit kay Dock at lumuhod sa harapan nito. Isinubsob ni Geallan ang mukha sa hita ng binata at tuluyang pinakawalan ang mga hikbi.

"Geallan?" Naramdaman niyang hinaplos ni Dock ang kanyang buhok.

"Huwag mo akong ibalik sa lugar na 'yon! Nagmamakaawa ako sa 'yo." Pakiusap ni Geallan sa pagitan ng mga hikbi. Maingat na inangat ni Dock ang mukha ni Geallan at ikinulong sa palad nito ang hilam sa luha niyang mukha.

"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Wala akong pambayad sa 'yo. Wala akong maibigay sa 'yo maliban sa katawan ko. Pero mas gugustuhin kong ikaw na lang 'wag lang sa Rex na 'yon. Sasaktan niya ako!" Hinila niya pababa ang suot na sando. Kinuha niya ang kamay ni Dock at dinala iyon sa lantad na dibdib at kung saan-saang parte ng upper body niya dinala ang kamay ng binata na ikinagilalas ni Dock.

"Please, Dock! Please!" Umiiyak niyang pakiusap.

"Geallan!" Hinila ni Dock pataas ang damit ni Geallan para takpan ang lantad nitong dibdib, pero hindi iyon maayos na naisuot. Hinila ni Dock si Geallan at mahigpit na niyakap ang dalaga. Paharap siyang nakakandong kay Dock.

"Tahan na, Geallan. Hindi kita ibibigay sa kanya." Bahagyang inilayo ni Geallan ang sarili kay Dock.

"Talaga?" Nakangiti itong tumango. Tinuyo nito ang basang pisngi ni Geallan gamit ang palad.

"Tahan na. Mas gusto ko lagi kang nakangiti at tumatawa. Kapag naging iyakin ka hindi na kita aampunin." Sunod-sunod siyang tumango.

"Natakot ako, eh!"

"Wala kang dapat ikatakot. Nandito ako. Huwag ka nang umiyak."

"Sige... hindi na." Pahikbi pa ring sabi ni Geallan. Pinunas ng sariling palad ang basang pisngi.

Kapwa natigilan ang dalawa. Dahil hindi nakasuot ang sando, at naiipit lang ng magkabilang braso ni Geallan, sa pag-angat ng braso ni Geallan ay nalaglag ang sando at lumuwa ang dibdib niya. Nagkatinginan ang dalawa nang ilang sandali bago kumilos si Dock para takpan ang dibdib ni Geallan.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon