Entry #45 (11/07/2017) DC

23 0 0
                                    

11/07/17

Hi readers!

Medyo delayed na tong pagkasulat ko... pero 12 am that day nang nagkita kami ni dodong, nag-chat siya sa akin.

"gonser!!! hahaha"

I thought wala lang sa kanya yung pagkikita namin eh. I did not expect him to chat that night. Di ko yun na basa agad. Di kasi ako makatulog nang gabing iyon kaya by 3 am nag check na naman ako ng messenger, and by that time na basa ko yung message niya. Sinabihan ko siya na di ko siya masyadong napasin kasi busy ako nung dumating siya. Kina umagahan, nag-reply siya ng "oo nga. Hahaha. Sobrang busy mo." Di ko ito nabasa agad at mga hapon ko nang nabasa. That afternoon nag chat nanaman kami. Sabi niya ngayong Nov. 7 pupunta siya ng Cebu, tapos by December naman sa Manila ulit. I wondered kung special ba ang pakakaibigan namin. We've been classmates for only one school year, and been chatmates for 2-3 years, and after 4 years noong isang araw lang kami nagkita. But how come alam ko yung mga details na yun? How come I feel na kahit matagal na kaming di nagkita, close pa rin kami? Parang walang nagbago between us after 4 years. Kahit di man kami araw-araw nag-uusap, kinukumusta naman namin ang isa't-isa on random days. Ako lang ba kinukumusta niya nang ganito, o marami rin kami? Baka kasi katulad rin siya ni Yannie kun, maraming kaibigan na babae. I don't want to think about it anymore. I will not make myself feel so special nalang, para di masakit. Hahaha.

That day pala, nakuha ko na yung number niya. At siya mismo ang nagbigay sakin. Hahaha. I had 1gb shareable data that day pero by 9pm mag-iexpire na ito so I asked him kung 0930 is a smart number. Birthday kasi nung isa ko'ng kaibigan, I figured ibibigay ko sa kanya yung 500 mb nung data ko kasi di ko naman magagamit sa bahay dahil walang signal. Ito naman makapal na mukhang kong kaibigan na si dodong, sinabihan pa naman akong sa kanya ko nlng daw ishare. So what I did is hinati ko yung 1gb. 500 mb dung sa kaibigan kong may bday tapos 500 mb sa kanya. Kaya hayun, nakuha ko yung number niya. I slightly did it on purpose just so I can have his number, pero wala naman ako'ng plano mag-text sa kanya after that. Na timing lang siguro na siya yung kausap ko nung araw na yun kaya siya yung binigyan ko ng free data. Hehehe. I guess hinihintay kong siya ang mauna mag-text sakin. Well, he didn't text me after that. Wala rin naman ako'ng paki. I gave my data to him kasi sayang naman talaga, hindi ko pa nagamit tas mag-iexpire na. Mabuti pang ishare ko sa iba na pwedeng gumamit nung data. In such way, he did me a favor as much as I did.

May times na gusto kong mag-text sa kanya, pero di ko ginagawa. Baka kasi di niya sinave yung mumber ko, tas sasabihan lang niya ako ng "who u?". Hahaha. O di kayay, hindi talaga siya rereply. Ansakit naman nun. Nyahaha. O pwede rin naman mag-reply siya pero di ko na alam anong sasabihin ko after.

Gusto ko siyang makita ulit. Yung tipong makakausap na talaga siya nang matagalan. But I don't think this is the right time for us. Gusto ko, sa susunod na magkita kami, parehos na kaming professional at may trabaho. As of now pagsisikapan ko muna ang pagreview para maging pharmacist. Tapos si Lord at ang tadhana na ang bahala sa susunod naming pagkikita. For now wala muna akong expectations between us. Sa kagwapuhan niya, bakit naman niya ako magugustuhan diba? (Jericho Rosales look a like. Gwapo talaga siya mga besh.) Hahaha. Bahala na, basta ang importante, PINAKILIG NIYA AKO. Bleeeeh. 👅

Sa kanya nlng sana,
-Krizia 😉

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now