Chapter 24

22.5K 890 178
                                    




Acey's POV

"Ang tagal mo naman dumating." inirapan ko lang sya. "Kamusta?"

"Kinakabahan ako." sabi ko sa kanya. Alam ko pati sya kinakabahan pero nagawa nya pa ring ngumiti.

"Tanggapin na lang natin kung ano mangyayari. Mali talaga tayo." sabi nya.

"Alam ko pero hindi ako titigil sa pagkuha sa kanya." sabi ko. Naglakad kami patungo sa kotse ko.

"Hindi ka talaga susuko sa kanya." hindi na ako sumagot dahil totoo naman na hindi ako susuko.

Iniligay nya sa compartment ang gamit nya tsaka pumasok sa loob ng kotse.

"Gusto mo munang kumain? baka kasi hindi na tayo makakain mamaya." sinamaan ko sya ng tingin. Napaka-negative naman nitong mag-isip lalo akong kinakabahan eh.

Nag-park ako sa parking lot ng restaurant ng pagkakainan namin. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. Nagce-cellphone kasi si Lorenzo kaya hindi rin kami nag-uusap tsaka inaalala ko kung ano mangyayari mamaya.

"Lorenzo." patawag ko sa kanya. Lumingon lang sya sakin saglit tapos binalik ulit ang tingin sa cellphone nya. Sino naman ang kausap nito? "Bakit napaaga ang uwi mo?" tanong ko sa kanya. Ibinaba nya na ang cellphone nya at nag-focus na sakin.

"Yung ate mo, gusto na akong paalisin." sabi nya at nag-pout. Napangiwi ako dahil ang panget nya.

"Bakit naman?" sumandal sya sa upuan at nag-cross arms.

"Ewan ko roon. Gusto ata mapaaga yung paghihiwalay namin ni Maru." napa-poker face ako. Ang kapal ng mukha nito parang sinasabi nyang patay na patay sa kanya si Ate, kita naman kung sino yung patay na patay sa kanila at kung sino ang under.

Dumating na ang order namin kaya kumain na kami. Tahimik kaming kumain, hindi ko alam kung parehas ba kami ng iniisip ni Lorenzo sa mangyayari mamaya dahil ang lalim ng iniisip nya. Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin kami umaalis.

"Acey." tumingin ako sa kanya. "May sasabihin ako sayo." sabi nya pa.

"Ano naman? na nabuntis mo na si Ate?" namula sya pero umiling sya. "Oh ano?"

"May problema tayo." napakunot ang noo ko. "Ngayon lang namin ito nalaman."

"Ano naman 'yon?" kaya ba parang ang lalim ng iniisip nya dahil may problema pala.

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "Na-hospital ang mama mo." nabitawan ko ang hawak-hawak kong baso. Hindi ko na narinig ang pagkabasag non dahil nabingi ako sa narinig ko. "May cancer sya at stage four na. Ang sabi ng doctor ay five percent na lang daw ang chance nyang maka-survive."




Lorenzo's POV

Ako na nag-drive pauwi sa bahay dahil mukhang hindi kakayain mag-drive ni Acey. Alam kong sobra syang nasasaktan ngayon dahil sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalaman na may sakit ang magulang nya? pero si Acey ay mahal na mahal nya ang mama nya, higit pa sa kahit kanino man, kahit kay Maru pa kaya alam kong sobra-sobra syang nasasaktan ngayon. Hindi nya man ipakita ay alam kong durog na durog sya.

Best buddy nya si Tita, sya ang sandalan ni Acey kapag naiinis sya at umiiyak, si Tita rin ang kauna-unahang tumanggap kay Acey nung nagsabi syang lesbian sya dahil si Tito ay hindi agad 'yon natanggap. Kay Tita rin sya nagkwe-kwento kung paanong hindi sya pinapansin ni Maru, paano na sya nagpapansin kay Maru pero hindi pa rin sya napapansin at kung gaano nya kamahal si Maru.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon