Chapter 4

143K 4.7K 872
                                    

Dedicated to her.

*

Chapter 4: EMPRESS


Jeena's POV


Natigilan kaming lahat sa aming narinig na sagot ni Fuschia. Hindi ko rin maiwasang mainis sa ilang estudyante malapit sa akin, rinig ko sa kanila ang pamimintas sa kaibigan ko. Are they serious? Ni hindi na lang sila matuwa na may isang taong handang sumugal at ipaglaban kami. Mga makikitid ang utak.


"Can she really fight against Levi?" lapit ni Hera sa aking tabi. Nagkibit balikat na lang ako at mas tinuon ang pansin sa kanila.


Levi is a man whom has name on every universities. As far as I know, may sindikato siya at kapartner niya ang ilan sa mga mayari ng ibang unibersidad dito sa bansa at maski na din ang isang opisyal sa senado. He once attempted to offer partnership with our own Headmaster pero ang balita namin ay tinanggihan siya nito. And there where it all started. Threats and killings. But our Headmaster appointed a gang from this school to be the defense whenever Levi is here. Ewan ko nga ba kung bakit parang wala silang pakielam. Hindi na ako nagtataka kung bakit nakwenstyon mismo ni Fuschia ang Sistema dito. Napakamalihim. Even the Headmaster. He never showed up himself.


"Go Fuschia!"


Ewan ko but suddenly I felt an urge na isigaw ang pangalan niya bilang suporta. Lumingon siya sa akin at nanlamig pa ako sa matagal niyang pagtitig na ginawa. Her seriousness creeps me out. Pero ang pagtango niyang ginawa, sapat na iyon na senyales sa akin na kaya niya.

"So Fuschia, let the game begin." Kasabay ng pagbigkas ni Levi ng mga salitang iyon ay ang pagtabi ng mga estudyante na tila nagtipon pa sa isang pwesto.


Nanatiling nakatayo lang magkabila ang dalawa at tila naghihintay sa bawat isa na gumalaw. Hindi ko maiwasang magalala sa kanya kahit na alam kong may iba siyang kakayahan. Mas ako din ang mismong kinakabahan para sa kanya. But still, I trust her enough.


Nagulat na lang ako nang makita na unang sumugod si Fuschia. Akmang sisipain niya sana ang kanyang lalaking kalaban ngunit madali nitong iniwasan ng kalaban kasabay ang suntok sa mukha na nasanggahan naman ni Fuschia at tinulak ang kamao nito na nagpaatras mismo kay Levi. Bagay na bahagyang ikinakislot naming nanunuod marahil ay sa gulat na mukhang may laban siya. Which is kabaligtaran ng kanyang imahe ngayon na tumatak sa iba dahil sa kanyang kasuotan.

"Impressive."


Komento ng kalaban ni Fuschia. Rinig ang bawat salita at bawat tunog mula sa kanilang laban dahil sa nakapalibot na teknolohiya sa loob ng gymnasium na ito. Maging ako kagaya ng iba ay napahanga kay Fuschia kahit alam ko namang taglay niya din ang kagalingan tulad niya. It does seem na mas magandang makita ng personal kaysa sa mga kwentong bibig lang.


Tumingin ako kay Fuschia. Kakaiba siya ngayon. Balot ng kakaibang aura at tila pulido ang mga galaw kahit ang tindig niya. Kakaiba talaga siya sa lahat. Walang duda.



Nagulat na lang ako ng mas naunang sumugod si Levi kaysa kay Fuschia. Sinipa nito si Fuschia sa dibdib na tumama naman pero kasabay ng pagtanggap niya ng sipang iyon ay kasabay ng pagsuntok niya sa sikmura ni Levi na siyang nagpaatras dito. At sa pagkakataong iyon ay ginamit ni Fuschia ang galaw na iyon para tumalon sa ere at sipain ito sa mukha. Nagawa man niya iyon pero agad hinila ni Levi ang kanyang paa dahilan ng pagbagsak ni Fuschia. Kasabay ng pagbagsak nito ay ang pagtuhod ni Levi sa sikmura ni Fuschia na naging dahilan ng pagsuka bigla ng dugo nito.


EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon