II- 35.2 Shared Secrets

1.7K 54 20
                                    

Happy 20.1k :) Enjoy reading! ♥ Sorry kung medyo mahaba ang update, pagtiyagaan na lang hehe. Hello sa new friends and readers!

----------------------------------xx*♥

Nakaupo siya sa gilid ng kaniyang kama. Napatingin siya sa oras at napansing mag-a-alas tres na ng madaling araw. Sanay na siya, lagi naman siyang ganito -- ang paggising sa alanganing oras o ang hindi maayos na pagtulog. Alam niyang ito ay hindi isa lamang typical na insomnia. May malalim pa ito na dahilan.

Kung hindi dumadaan ang masamang panaginip ay pinapakitaan naman siya ng mga pangitain sa kaniyang isipan. Minsan rin, may mga elementong nagpaparamdam sa kaniya. At ngayong gabi ay isa sa mga gabing binubulabog siya ng mga pangyayari at pangitain.

Napanaginipan niya ulit ang nangyari kay Walter sa pool. Naalala niya rin ang pakiramdam na walang magawa, ang mapanuod lamang ang kaibigan na nilulunod at pinapahirapan ng masamang kaluluwa. Kahit anong pagpupumiglas ay hindi niya kayang tumakbo at iligtas ang kaibigan. Somehow she felt really bad about it.

Sana pala pinigilan ko na lang ang pagpunta namin dito --- sabi niya sa isipan niya.

Paano kung pinigilan na lang niya ang buong barkada na mag-swimming? Paano kung pinigilan na lang niya ang Christmas Party? Siguro nga ay hindi mangyayari ang kababalaghan na iyon. Swerte na nga lamang sila at nakaligtas silang magkakaibigan laban sa masamang elemento na iyon.

Kamusta na kaya si Walter? Okay na kaya talaga siya? --- dagdag pa niya.

"Kausapin mo na kaya siya"

Napahagod naman si Michelle sa kaniyang dibdib noong marinig ang boses ng nagsalita. Paglingon niya, nakita niya si Ellery na bumangon sa kama.

"Dali na" sabi pa ni Ellery.

"Anong sinasabi mo, Ellery?" tanong ni Michelle.

"Hinahanap ka rin niya. Papunta na nga siya dito. Salubungin mo na sa labas ng makatulog na ko"

"Alam mo?"

"Dali na magusap na nga kayo ni Walter"

"Naririnig mo?"

Napatawa si Ellery "Ano pa nga ba?" Napangiti ng bahagya si Michelle "Sorry" sabi niya.

"Ito ang mga dahilan kung bakit gusto kong matulog ng malayo at mag-isa. Pero ayos lang, sige na malapit na siya dito" sabi ni Ellery noong kinuha niya ulit ang kumot at naghanda na sa pagtulog.

"Sige salamat, at pasensya na rin" bulong ni Michelle.

"Yung medyo malayo dito ha? Wala akong balak makinig. Mahaba-haba pa nga ata ang pag-uusapan niyo"

Agad ng tumayo si Michelle para pumunta malapit sa pintuan. Noong nakalabas na siya ay nagulat siya dahil nasa harapan na niya si Walter.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Onde histórias criam vida. Descubra agora