Chapter 11

804K 38.2K 10.4K
                                    

AN/ Thank you angels for all the support. I am receiving numbers of praises and feedbacks for this story. Hindi ko akalain na mabibigyang pansin ito kahit hindi ko forte ang ganitong genre. Another first, kinakabahan na ako. Lol. Please don't expect too much. Huhuhu. Naiiyak ako na ewan, ang gaganda ng reviews kahit hindi pa tapos. Lol. 

Again, thank you so much angels. 


Chapter 11


How can he easily make his ocean eyes glitter into the darkness? Kahit madilim ang buong nakapaligid sa amin at tanging apoy lamang ang nagsisilbing liwanag hindi nito maitago ang kanyang magagandang asul na mata.

My eyes were locked against his, giving this feeling of unfamiliar warmth. I hate to accept that I can easily be drawn by the stares of his eyes.

His eyes are so beautiful, very beautiful.

Seconds of staring in his eyes until it lasted in minutes. I want to hit my alert button, I want to hit it. His eyes are too dangerous, I need to save myself from being drawn.

Sa muling pagbabangga ng bote ng alak dito ko tuluyang iniwas ang aking mga mata mula sa kanya at tulad ng ibang mga sundalo ay ininom ko ang aking alak.

Sa sulok ng aking mga mata ay pansin ko na tumuwid na rin siya ng tayo at ininom niya na rin ang kanyang alak.

Hindi na ako bago sa mga lalaki, hindi lang iilan ang nagparamdam sa akin nang nakatira pa ako sa Tacloban. I never bothered looking at them and I never been interested in any male specie.

They tried to send efforts but it didn't work. At lalo nang nawala ang interes kong mapalapit sa ibang tao nang humagupit ang trahedyang nagdala sa akin para mag isa.

The less people I care about, the less damage I might receive. That's my principle and I won't ever change it.

I only have Alys now, wala na akong hihilingin pa.

And this feeling with this Commander? The strange feeling I felt everytime his blue eyes collided mine is just an admiration.

Who wouldn't admire his beautiful blue eyes?

Bumalik na sa kani kanilang mga posisyon ang mga sundalo at naupo muli sila sa palibot ng apoy kaya wala akong pinagpilian kundi gumaya sa kanila kahit gusto ko nang umalis at matulog.

Kailangan kong makisama kahit papaano lalo na at may kinalaman sa akin ang ininumang ito. Hindi na umalis sa tabi ko si Ped--- yeah Commander Armstrong at pinagpatuloy niya ang pag inom at pakikipagtawanan sa mga sundalo.

"Commander Armstrong what is your ideal type for a woman?" one from the drunken women asked him.

Here comes the topic again.

Hindi na ako nakainom at pinakinggan ko na lamang ang pag uusap nilang lahat. I can't drunk myself, lalo na at hindi ko alam kung anong lubos na epekto sa akin ng alak kapag nalalasing ako.

Safety first.

"My ideal type?" I heard him laugh. He's already drunk.

"I need another one," itinapon nito ang bote na muntik nang magpunta sa may apoy.

Dahil malapit sa akin ang alak mas lumapit pa ito sa akin.

"Here Commander," may nag aabot na sa kanya ng alak mula sa grupo ng mga lalaking sundalo.

"No, no. I like those, I'll get my own." Iwinasiwas nito ang kanyang kamay at nagpatuloy ito sa paglapit sa akin.

As far as I know there is only one type of beer tonight.

Taste of Sky (EL Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon