Forgive

7.2K 134 16
                                    

UPDATE !

 

Forgive and Forget ..


Maraming Salamat po sa paghihintay ng update. Malapit na po itong matapos at sobra po akong nagpapasalamat sa 81+k reads na natanggap ng story na 'to.

MARAMING SALAMAT PO ..

Votes and Comment po .. :")

xoxo

ENJOY

--------------------------------------

Chris' POV

*Makalipas ang 2 Buwan*

Mabilis na lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang pagsasama namin, kung saan ? Doon pa rin sa inuupahang bahay ni Kate. Doon na ko umuuwi gabi-gabi. Minsan nga pinipilit ko siyang umuwi sa bahay namin pero ang lagi niyang sagot, "wag muna ngayon.." pero naiintindihan ko naman kung bakit, siguro dahil sa nangyari noon, naaalala niya siguro yung mga nangyari tuwing naroon siya kaya ang plano ko ibenta nalang ito at bumili ng bago.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng aming tanghalian ngayon, sabado kasi ngayon at naghalf day lang ako sa trabaho.

Lumapit ako sa kanya, nakabackhug ako habang isinisiksik ang mukha ko sa kanyang leeg, ang bango naman ng honey ko..

"Hon, hindi pa ba tapos yan ?" tanong ko.

"Nagugutom ka na ba ? Malapit na 'to. Sandali nalang 'to, hon" sagot niya.

"Hindi ba pwedeng ibang lunch muna ang ibigay mo sakin?" naughty kong tanong. Baka makalusot eh .

"Naku Mr. Aragon, tigilan mo ko dyan ha.. Alam ko na yang mga ganyanan mo." nakangiti niyang sagot.

"Baka lang makalusot." natatawang kong sabi.

"Asus.. Tanghaling tapat kababuyan 'yang iniisip mo. Masama kaya yan." nakangiti niyang sabi.

"Tinry lang naman po Mrs. Aragon, eh hindi nakalusot eh. Pero Let me correct you ha, hindi 'kababuyan' ang tawag dun kundi 'making love' " bulong ko dito saka kiniss siya sa leeg.

"Kahit ano pa ang tawag doon noh, hindi pwede kasi katatapos lang natin kagabi. Aba, uso yung word na pahinga in english REST noh .." biro nito sa akin na ikinangisi ko dahil naalala ko yung ginawa namin kagabi. Hihih ..

"Pero nagustuhan mo naman? " bulong ko sa kanya.

"H-hay .. Bantayan mo na nga lang dun si baby baka kung saan pa mapunta 'yang pinagsasabi mo noh .. Ikaw talaga, ang dami mong alam.." nakatawa niyang sabi sa akin pero if I know natetempt na din yan .. Hahaha.

"Di na ba talaga magbabago 'yang isip mo ? Baka naman -" di ko na natuloy ang aking sinasabi dahil tinakpan niya na aking bibig saka ako tinulak palabas ng kusina. Ako naman, tawa ng tawa dahil pulang pula yung mukha niya. Hahaha .

Way Back Home (AWWBTHHH)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin