Chapter 18

8.5K 254 9
                                    

ALTAIR

"Okay class! Lets start," pagtatawag samin ni Ma'am Victoria.

"Tara na," yaya ni Agatha sabay hila sakin papunta sa grupo namin.

Nasa ibang bahagi naman ng plaza ang tatlo pang grupo kasama ang guro nila.

"Form five lines," utos ni ma'am sa amin.

Sinunod naman namin. Nasa iisang line lang kami ni Agatha. Nasa unahan ko lang siya.

"Arms forward."

Nag-arms forward kami para magkaroon ng sapat na distansiya ang bawat isa sa amin.

"Okay. Warm up muna tayo. Tumakbo kayo sa buong plaza."

Marami ang nagreklamo. Naalala ko tuloy bigla si Sir Aaron. Akala ko tapos na ako sa takbo-takbo na ito. Hindi pa pala.

"Walang mag rereklamo. Warm up lang yan. Baka gusto niyong gawin kong dalawang laps 'yan?"

Napatakbo na lang kaming lahat ng wala sa oras. Kaysa sa makakadalawang laps kami sa buong plaza no. Ang lawak kaya. Habang ang ibang grupo naman ay nagsimula na rin sa pagwa-warm up ngunit hindi sila pinatakbo gaya namin.

Mabuti na lang na palagi kaming pinapatakbo noon ni Sir Aaron sa quadrangle kaya medyo easy na lang ngayon. Halos kasabay ko pa sa una si Agatha. Kaso nung tumatagal, parang bumabagal siya kaya nauna na ako.

Takbo...

Takbo...

Takbo...

Papunta na sa direksyon ng Opaque Army Division ang takbo namin ngayon. Ito ang division ni Lucius. Hanggang sa umabot na kami sa border ng Red Army Division at Opaque Army.

Sa border ng Red Army Division, mga torch. Habang ang border ng Opaque Army ay pader na pininturahan ng kulay itim na ang taas ay hanggang sa may bewang ko.

Nang lumiko kami, nakita ko si Lucius sa plaza ng Opaque Army Division na naka-upo sa damuhan at nakatingin sakin. Nung magtama mga mata namin, bigla siyang umirap sakin.

Eh? Ano na naman kaya problema nun ngayon? Ako nga dapat itong umiirap sa kaniya dahil siya itong kung ano-ano pinagsasasabi kanina at kamuntikan pa akong ma-late. Kung makairap siya, parang ako pa itong may atraso. Hmp! Bahala siya sa buhay niya.

Napabuntonghinga ako dahil naalala ko si Lucian---este Lucas. Argh! Si Eunice pala! Aish.

Bakit biglang nasagi sa utak ko si Lucian? Kumusta na kaya siya dun sa Royal Army Campus?

Ano ba naman 'to! Iling-iling! Dapat matanggal sa utak ko si Lucian! Bakit ba kasi bigla-bigla kong naalala siya?

Namalayan ko na lang na patungo na sa direksyon ng Green Army Division ang takbo namin.

Ang border naman ng Green Army Division ay mga halaman naman. Pero ang taas ay halos umabot lang sa bewang ko.

Nang lumiko na kami nakita ko naman si Lucas na nakaupo sa damuhan ng plaza. Naka-indian sit siya tapos pinagdikit ang mga palad na tila nagdarasal. Nakapikit din ang mga mata niya.

Mukang naramdaman naman niya na may nakatingin sa kanya na galing sa direksyon ko kaya iminulat niya ang mga mata niya at lumingon sa gawi ko. Sa una, mukhang hindi niya ako nakita dahil sa medyo malayo at natatakpan ako ng iba pang studyante. Pero nag-smile naman siya sakin nang makita niya ako.

Nag smile back ako. Tapos bigla siyang hinampas ng mahina sa likod ng baston ng isang matandang lalaki, na siguro ay guro. Nagulat si Lucas at linungon niya ang guro at nag-peace sign.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon