Shoot 2 "Playing the Game"

85.4K 4K 918
                                    

"Alam mo ba, Dani, isa na agad ako sa mga top players sa SWO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo ba, Dani, isa na agad ako sa mga top players sa SWO. Palibhasa bagong release pa lang yung laro kaya malaki ang tiyansa na isa ako sa mga top players ng laro na 'to," Pagmamayabang sa akin ni Jace, pansin ko nga na talagang pinagpupuyatan niya ang larong iyon dahil ang laki ng eyebag niya sa kanyang mata.

"Anong school yung pinili mo?" Tanong ko sa kanya, sa panunuod ko ng trailer last time ay may nakuha nalaman naman ako tungkol sa larong iyon.

"Whoah! Ba't alam mo yung tungkol doon? Naglalaro ka na rin?" Tanong niya sa akin and he find me amazing.

"Napanuod ko yung trailer," napalitan ng pagkadismaya ang kanyang mukha. "So, anong school nga pinasukan mo doon?"

"Red Ember University, maganda rin doon dahil maraming strong players kaya naman hindi ako nahihirapan minsan mag-quest." Paliwanag sa akin ni Jace.

Narinig ko kanina na may practice daw ng basketball ang Northford Dragons at umaasa ako na makikita ko doon si Mateo. "Jace, 'diba sinamahan kita last time sa pagbili nung game mo," I tried to sound really nice dahil may kailangan ako sa kanya.

"Bakit? Yung mga ganyang tono ng boses mo e kinakabahan na ako. Alam kong may kailangan ka!" Inis niyang sabi at dinuro ang aking noo kaya naman napatawa ako.

"Samahan mo naman ako ngayon sa basketball court, balita ko maglalaro raw si Mateo. It's really rare to see him practicing kaya samahan mo ako manuod... please," I use the magic word please at nagpaawa ako ng mukha sa kanya.

Humigop siya ng iniinom niyang red tea. "Kayong mga babae dito sa Northford, hindi ko alam sa inyo kung bakit patay na patay kayo riyan kay Mateo. He's just a simple engineering student na nagkataon na varsity play--"

"That's it! He's a future engineer and a basketball player, dagdag points kasi iyon kaya mas lalong nakaka-attract. Given ng gwapo siya," hinatak ko ang kanyang kamay para mapatayo siya. "Tara na, samahan mo na ako manuod ng practice game nila. Sinamahan naman kita last time para diyan sa game mo, halos maghapon akong nakatayo at pumila." Pangongonsensya ko.

Wala na siyang nagawa at naglakad na kami papunta sa basketball court, ang dami agad bilang ng tao ang nandito. Tumingkayad ako upang maghanap ng mapepwestuhan at nung may nakita akong bakante ay agad kong hinatak ang braso ni Jace.

"Excuse me, excuse me," Pakiusap ko sa mga taong nadadaanan namin, shit! Ang daming nanunuod ngayon kahit practice game lang. Nung makarating kami sa bakanteng bench ay agad kaming umupo at nagsimula na akong mag-cheer kagaya nung iba.

"Go Mateooo!" Malakas kong sigaw, napalingon ako sa katabi kong si Jace at nakasimalmal ang mukha niya.

"Nakakadiri ka," reklamo niya at siniko ko na lamang siya.

"Hindi ka lang nakaka-appreciate ng mga creation ni God, palibhasa kasi hindi si God ang gumawa sa'yo." Ganti ko sa kanya.

Hindi ko na siya pinansin at nanuod pa rin ako nung practice game. Ang gwapo tingnan ni Mateo kahit pawis na pawis na siya, mestizo siya pero hindi siya umiitim kahit nakabilad siya ng matagal sa araw. Mapungay ang mata nito at mapula ang kanyang labi, hindi ko alam ang tawag sa hairstyle niya but definitely, sobrang bagay iyon sa kanya.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon