I want to dedicate this chapter to sheenay326 cause she wants this update to fast 😂😂
_________________________________________
Alwin' POV
November 22, 2017
Bumalik kami sa baba at laking gulat namin nung nakita namin sa tita, nakaupo sa couch, may hawak na kutsilyo. Tumayo siya at tumakbo papunta saamin, nabitawan ko yung BTS merchs ko, pwera nalang sa ARMY bomb. Tumakbo kami papalayo sa kanya pero paglabas namin, naharangan kami ng dingding.
Unti-unti na siyang lumapit saamin hanggang sa nasa harap na namin siya. She smirked at us, and raised her hand with the knife.
"Ang lakas ng loob mong bumalik dito, pamangkin ko", sabi ni tita na haggard na haggard na ang mukha.
Lumapit pa siya saamin at sasaksakin na sana ako, pero binato siya ng paso ni Edric at natumba siya. Umakyat kami sa dingding para tumakas and luckily, we managed to escape.
"Bumalik ka sa bahay na yon para sa merchs? FOR THE STUPID MERCHS?!", galit na tanong ni Edric.
"I'm sorry, ok? Muntik ka nang mapahamak nang dahil saakin!", sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at umalis sa harapan ko. Umuwi na ako ng bahay para matulog. Pag dating ko sa bahay ay gising pa rin si tito. Hindi siya nag taka kung bakit ngayon lang ako, infact, hindi nga siya nag react.
November 23, 2017
Maaga akong bumangon, dahil gusto kong pumasok sa school ng maaga. Pumasok kaagad ako sa banyo para maligo, at laking gulat ko nung may nakita akong nakasulat sa salamin.
Maghanda ka na, mamaya na siya!
Nanlaki ang aking mga mata nung nabasa ko ito. Dali-dali akong naligo at nag bihis para pumunta sa school. Pagdating ko doon, nakita ko si Sheena with the other SPGs preparing the stage.
Tinawagan ko si Edric para pumunta ng school kaagad. It was still 6 in the morning, pero may kutob ako kung sino ang susunod na mamamatay.
"Hello, Edric? Come to the school, RIGHT NOW! May threat nanaman yung bata saakin! Baka ako nanaman ang mamamatay!", pagpanic ko habang kausap si Edric over the phone.
"Ok ok, don't move on your position, just stay there and I will call Cessa ok?!", sagot niya saakin at binaba kaagad ang phone.
Nagsimula na akong manigas, pinapawisan at nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Maya-maya ay dumating na si Edric with Cessa.
"Oh my, what happened earlier, Alwin-ssi?", tanong ng concerned na si Cessa.
Hindi ako makasagot dahil sa takot na aking nararamdaman, anytime soon, pwede isa sa amin ang mamamatay. Pumasok kami sa classroom at doon kami nag usap.
"Alwin-ssi, what happened?", tanong ulit ni Cessa.
"Well, maliligo na sana ako nung may nakita akong nakasulat sa salamin, para siyang isang babala para sa atin!", sagot ko habang tuloy ang pagpatak ng pawis sa aking mukha.
"A-ano ba ang sabi sa salamin, Alwin? Death threat ba sa'yo?", tanong ni Edric na alalang alala saakin.
"Well, ang sabi niya ay "maghanda ka na, mamaya na siya", sagot ko naman sa kanya habang nanginginig na ako sa takot.
*cling*
*cling*
*cling*
"On the second DEATH of christmas~",
_________________________________________
And theres chapter 13! Mwa mwa mwa 😍😘😘😘
YOU ARE READING
12 DEATHS of Christmas {COMPLETED✔}
Mystery / Thriller"On the first DEATH of Christmas my killer did to me--", mahin-hing pagkanta ng killer. "MARAMI NA ANG NAPAPATAY SA ATIN! MAUUBOS TALAGA TAYONG LABING DALAWA! AND I HAVE A FEELING THAT THE KILLER IS ONE OF US SINCE WE ARE THIRTEEN", Dare to wait for...
