Shoot 3 "Welcome to SWO!"

82.1K 3.7K 711
                                    

Parang may isang portal na lumamon sa akin pagkasalang ko ng game

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang may isang portal na lumamon sa akin pagkasalang ko ng game.

"Maligayang pagdating sa School War Online!"  Isang boses ang aking narinig habang nanatiling itim ang aking nakikita. Nabigla ako nung marinig kong ito'y nagtatagalog pero naalala ko na kung nasaan kang bansa, iyon ang naka-set na language ng SWO. Katulad na lamang ngayon, nasa Pilipinas ako kung kaya't Tagalog ang sinasalita sa laro.

"Maaari ko bang malaman ang iyong kasarian?" May lumabas na text box kung male or female ako, I chose female.

Matapos kong pindutin ang female ay may isang babaeng lumabas na tanging panloob lang na damit ang suot. "Ayusin mo ang iyong avatar ng naaayon sa iyong kagustuhan..."

May mga lumabas na choices na text box, una kong inayos ang buhok nito. Hinayaan ko lang na bagsak na itim na buhok ang hair nito, ni-customize ko rin ang mukha nito, as much as possible ay gusto kong maamo ang mukha ng avatar ko. Sinet kong height ay 5'2 at Morena ang kulay ng balat dahil iyon ang malapit sa akin

Matapos kong maayos ang hitsura nito ay may muling text box na lumabas. "Maaari bang makuha ang iyong codename na gagamitin sa laro?"

Hindi ko alam kung ano ang ipapangalan ko but I want it to be more classy. Paniguradong marami pang available na username dahil iilan pa lamang ang naglalaro nito.

Inabot yata ako ng ilang minuto sa pag-iisip ng username hanggang sa may pumasok bigla sa aking isipan...

"Majesty."

"Isang magandang pangalan! Majesty, maligayang pagdating sa mundo ng School War Online!"

Biglang may warp na humigop sa akin at sa pagdilat ko ng aking mata, nasa ibang mundo na ako. May ipinapakitang school sa buong paligid.

Ipinakita ang isang paaralan na kulay oula ang karamihan ng mga gamit, nagwawagayway ang kulay pula nitong flag na may phoenix na design.

"Ito ang Red Ember University, kung saan nag-aaral ang matatapang na estudyante sa mundong ito. Tapang ang pinapairal at nag-aapoy ang determinasyon sa bagay na naisin. Ang Red Ember University ay nais ang kapangyarihan sa mundong ito."

Ibig sabihin ay ito ang piniling school ni Jace, ang astig din kasi ng paaralan ng Red Ember dahil sobrang astig ng bawat school designs nila.

Nag-iba ang paligid at napalitan ng isang paaralan na puro luntian ang makikita, maraming tanim na puno sa bawat paligid at damang-dama ng aking balat ang lamig nang simoy ng hangin mula sa paaralang ito.

"Ang Evergreen Academy na tanging nais ay kapayapaan sa mundong ito. Sa paaralang ito ay mapayapang namumuhay ang mga estudyante  at nagkakaisa. Naniniwala sila na ang pagkakaisa ng bawat isa ang magiging susi sa mapayapang mundo."

May ibang school pa na ipinakita ngunit wala na akong interest dito.

Sa huli ay may text box muli na lumabas at pinamili ako kung saang paaralan ko gustong pumasok:

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon