Shoot 4 "Announcement"

77.3K 3.6K 632
                                    

"Hindi naman gaano kahirap kalaban ang mga wolf na 'yan lalo na't level 1-3 lang din 'yan kagaya mo," pagpapaliwanag ni Thatjerk sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hindi naman gaano kahirap kalaban ang mga wolf na 'yan lalo na't level 1-3 lang din 'yan kagaya mo," pagpapaliwanag ni Thatjerk sa akin. "Ang problema niyan is pangit yung baril mo, mabagal magkasa. Hindi rin agressive type of monster itong wolf so basically, when you hit it, tsaka pa lang ito aatake sa'yo."

Tinutok ko ang baril sa isang level 1 na wolf at muntik na akong tamaan nung baril sa pagputok nito, tinamaan ang wolf sa tiyan at umagos ang pulang likido mula rito.

Tumingin sa akin ang wolf at nagpula ang mata nito, mabilis itong tumakbo tungo sa direksyon ko. "Takbo!" Malakas na sigaw ni Thatjerk kung kaya't tumakbo ako palayo.

Kinasa ko ang baril at muling humarap sa wolf, ipinutok ko muli ang baril dito. Shit! Ang tagal niyang mamatay! Ang tagal din mag-reload nitong baril, naabutan ako nung wolf at mariin akong nakalmot sa braso. Naramdaman ko ang sakit nito, at umagos ang dugo mula rito.

Dahil nga nakakonekta sa nerves namin ang nerve gear, mararamdaman din namin ang pain. Pero siyempre okay ang katawan namin in real world. "Bwisit ka!" Malakas kong sinipa sa ulo ang wolf. Kinasa ko ang baril at pinaputukan ito ng baril sa huling pagkakataon. Tumama ito sa leeg ng wolf at napahiga na ito sa sahig.

Tama nga ang sabi ni Jace, hindi madaling magpa-level sa game na ito. Kahit ang mga level 1 monsters ay mahirap ng patayin.

You receive 10 pesos!

You receive wolf fang!

Iyan ang nag-pop up na message sa akin matapos kong patayin ang wolf. "Nice job!" Pagpuri sa akin ni Thatjerk at inabutan niya ako ng sandwich. "Sandwich para ma-restore 'yang buhay mo, mukhang malalim ang naging kalmot sa'yo nung wolf at ang laki ng nabawas na buhay sa hp bar mo." Sabi niya sa akin.

"Mag-lunch ka na, kaya ko na mag-hunt mag-isa. Madali lang naman yung quest. Alas-cuatro na hindi ka pa nagla-lunch," natatawa kong sabi sa kanya. The good thig about Thatjerk, mabait siya. Kapag malakas na player kasi kadalasan ay hindi namamansin ng baguhang kagaya ko.

"Sure ka?" Tanong niya sa akin at tumango-tango ako. "Sige magla-log out na ako, madali lang naman ang mga quest sa area na 'to dahil labas pa lang ito ng Blue Wave University... But if you need some help, send a pm to me, okay?" Muli akong tumango sa kanyang sinabi.

May pinindot-pindot ang character niya sa ere at unti-unting siyang nawala sa map.

Kinasa ko muli ang baril at tumingin sa maraming wolf na nandito.

"It's showtime."

***

Matapos kong magawa ang quest ay bumalik na ulit ako sa faculty room upang sabihin kay sir Leon. Nag-level 2 na rin ako kanina, hindi lang naman ako ang level 1 na nandoon sa area kanina, marami ring newbie players ang nagsisimula pa lang.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon