Tres

207K 4.7K 93
                                    

Tres

Aura

Mag tatanghalian na ng maisipan kong puntahan na si Migi para dalhan ng makakain. Dala dala ko ang isang tray na may lamang pagkain.

Kumatok muna ako bago pumasok. Hindi na ako nageexpect na may sasagot sa akin since di naman magsasalita yan.

Naabutan ko siyang nakaupo nanaman at nakatingin sa kawalan. Ganyan naman siya palagi. Nakakaawa nga talaga.

Inayos ko muna yung maliit na lamesa sa may kama at doon pinatong yung tray.

"Hello. Kain kana, lunch na oh. Tignan mo dinalhan kita ng pagkain. Masarap 'yan."

Tinignan niya lang 'yong pagkain na parang bang wala lang. At ibinaling ulit ang tingin sa kawalan.

"Uy, kumain kana." Sabi ko pero di pa rin niya ako pinapansin.

"Hello?" Kinaway kaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya. Tsk. Ayaw kasi akong pansinin eh.

Nagsisimula na akong mainis. Bakit ba ayaw nito kumain samatalang ang dami daming batang langsangan ang kasalukuyang nagugutom ngayon.

Kinuha ko na lang yung kutsara't tinidor na may lamang kanin at ulam at sinimulang subuan siya.

Bahagya siyang napatingin doon.

"Ayaw mong kumain e. You really need to eat para mabilis na bumalik ang lakas mo kya susubuan nalang kita. Say ah!" Patuloy ako sa pag subo sa kanya ng bigla niyang itulak ng malakas yung lamesa. Dahilan para matapon ang pagkain sa lapag.

"Wag mo akong subuan! Are you dumb? Just leave me alone!" Sigaw niya. Nakaramdam ako ng takot. Naalala ko tuloy bigla yung kwinento ni Chen sa akin. Yung pag tulak niya sa pagkain. Pati sa akin ginawa rin niya.

Pero hindi ako magpapadaig sa kanya! Sinayang niya yung pagkain. Patience Aura, patience. Pasyente yan. Wag mong patulan.

Huminga muna akong ng malalim bago nag salita.

"Eh kasi naman po ayaw mong kumain. Kailangan mong kumain para mapaglakas." Mahinahon na sabi ko habang kinuha ang plato at iba pang bagay na nahulog. Mabuti na lang at plastic ito. Papalinis ko na lang kag Kuya Janitor 'yong nagkalat na pagkain.

"Wag mo akong pagsabihan dahil hindi mo ako kilala." Ma-otoridad niyang sagot.

Napatingin ako sa kanya bigla. Ano nanaman kaya pinagsasasabi ng lalaking to?

"Okay, fine. Kung ayaw mong kumain edi wag. Sino bang magugutom. Ikaw rin." Pagkatapos ko kunin ang mga 'yon ay lumabas na ako sa kwarto ng masungit na Migi na iyon!

Pagdating ko sa locker area namin ay agad akong sinalubong ng mga tanong ni Yenny.

"Oh napakain mo na? Kamusta? Nagsalita na ba siya? Blah blah blah..." Sunod sunod na tanong niya.

Napahilot ako sa sentido ko.

"Hinay hinay lang sa mga tanong. Tsk. Ang daldal mo!" Naiinis na sabi ko.

Tinawanan lang ako ng gaga.

"Anong tinatawa tawa mo nanaman jan? Para kang baliw." Dagdag ko.

"Hmm matagal na akong baliw! Alam mo na dapat yan! Eh kasi naman nakakunot nanaman yang maganda mong noo. Sige ka magkakawrinkles ka agad!" Aba't nagawa pa akong asarin nito?!

Kwinento ko kay Yenny yung nangyari kanina. Wala siyang ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Ano kayang nakakatawa doon?

"Ano masasabi mo?" Tanong ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon