Shoot 5 "New Friends"

72.1K 3.5K 848
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na nanunuod ng drama sa hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na nanunuod ng drama sa hapon. "Nandito na 'ko 'ma," nagmano ako sa kanya. "'Ma, nga pala, isasali raw ako ng professor ko sa Math competition na gaganapin next week."

"That's good! Magaling ka naman sa solvong anak, pagbutihin mo ang pag-aaral," masayang sabi ni mama na mukhang natuwa sa ibinalita ko.

"Akyat muna ako sa kwarto 'ma, tawagin mo na lang ako kapag dinner na." Sabi ko kay mama at tumango ito bilang pagsagot..

Pumasok ako ng kwarto at binaba ang aking bag, saglit akong nagbihis at sinuot ko ang nerve gear. Plano kong mag-online man lang ngayon at tumapos man lang kahit isang quest para mag-level.

Nag-log-in ako sa game at parang may humigop ulit sa akin at sa muli kong pagdilat habang suot ko ang nerve gear, iba na ang aking nakita.

Nag-log-in ako sa game at parang may humigop ulit sa akin at sa muli kong pagdilat habang suot ko ang nerve gear, iba na ang aking nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo ako dito sa gilid ng hall kung saan ako nag-log out kanina. Maraming estudyante ang naglalakad papasok dito at binabasa ang mga naka-post sa notice board.

Pagka-online ko pa lang ay may nag-pop na message sa screen.

Thatjerk: online ka na ulit? Anong level ka na?

Private message lang ito dahil malayo kami ngayon ni Thatjerk sa isa't-isa. Mabilis naman akong nag-reply sa message niya.

Me: kaka-online ko lang ulit, level 2 palang ako lol.

Thatjerk: Haha! Okay lang 'yan, daanan na lang kita kapag nakabalik na ako sa school. Nasa quest ako ngayon. Nagpapa-level ako para sa school war. :D

Me: Interesado ka rin pala doon?

Habang magka-chat kami ay naglakad na ako patungo sa right wing ng paaralan at hinanap ang boutique na sinasabi ni Leon upang hanapin si Zelda.

Pumasok ako sa loob ng Boutique at nandoon si Zelda na nag-aayos ng mga damit sa rack. Dito nga ang pangalawa kong quest.

Thatjerk: Lahat naman interesado doon para sa limited edition na item na makukuha. Kailangan humabol ka rin sa level, sige chat you later. Quest muna ako. :D

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon