Shoot 6 "Elimination Round"

69K 3.4K 1K
                                    

Ngayon ang araw ang elimination sa Math Contest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayon ang araw ang elimination sa Math Contest. I will represent our section kung kaya't todo cheer ang mga kaklase ko.

"Good luck, Dani!"

"Galingan mo Dani!"

Ngumingiti ako sa kanilang lahat kapag sinasabi nila iyan. Kaibigan ko lahat sa classroom. Kahit panay aral ang inaatupag ko, I know how to socialize with others and how they should be treated.

"Kinakabahan ako," sabi ko kay Jace dahil maya maya lang ay ipapatawag na ako para simulan ang elimination round.

Lahat ng math major students ang maglalaban-laban sa contest na iyon. Engineering, Architect, Accounting, Math major na educ, and kami BSMath but we're majoring Computer Science.

It's like a clash between math majors student.

"Huwag kang kabahan, elimination pa lang naman at next week pa ang actual contest. Mananalo ka, okay?" Pagpapalakas ng loob sa akin ni Jace.

Habang nagdi-discuss ang professor namin sa number theory ay may kumatok sa classroom na isang babae. "Excuse me, ma'am, nandito po ba si Danica Espino?" Tanong nung babae.

Napatingin sa akin ang lahat and I slowly raised my hand. "Pinapatawag na po kayo sa library." Sabi niya.

Tiningnan ko muna si Prof. Anne kung pwede akong lumabas and she give me a nod. Nagsigawan ang mga kaklase ko and they give the loudest cheer as they can. "Ayan na, go Dani! Kapag ikaw ang nag-represent ng Computer Science, ililibre kita ng pizza sa Greenwich." Sabi ni Jace sa akin.

"Asahan ko 'yan, mokong ka." Sabi ko sa kanya at naglakad na ako palabas ng room.

Naglakad ako patungo sa library and I think mayroon dito na labinglimang estudyante and by adding me, 16 kaming maglalaban-laban.

Ipinaliwanag sa amin nung instructor ang gagawin and we should just solve some mathematical equations, kung sino raw ang tatlong may pinakamataas na score ay siyang magrerepresenta sa buong college namin which is ilalaban sa ibang college by next week.

Mayroon kaming dalawang oras para mag-solve. Kinuha ko ang papel at tiningnan ang mga math equations.

May mga equation dito na pamilyar pero nahihirapan pa rin ako. Sino bang gustong mag-solve?! Sa totoo nga lang ay manalo o matalo ay okay lang sa akin, ayoko rin namang mag-solve pero ayoko rin naman laru-laruin ko lang 'tong contest na ito.

Nagsimula muna akong mag-solve sa isang scratch paper para malinis at maayos ko itong maililipat sa mismong test paper. Medyo natuwa ako sahil karamihan ng mga equations na ibinigay ay napag-aralan ko or natatandaan ko pa.

Families of curves, Seperation of variables, Simple Substitutions... Karamihan ay puro ganyan ang lumabas sa exam kung kaya't medyo nadalian ako.

Pero hindi naman lahat ay kasing dali no'n dahil marami rin naman akong hindi alam kung paano i-solve. Saglit akong nag-unat at napatingin ako sa lalaking katabi ko.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon