[58] Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do.

3K 78 22
                                    


Chapter Fifty Eight

PATCH

“Yay! I’m done!” Nagtatalon si Olive habang pumapalakpak nang matapos niya akong lagyan ng lipstick. After twenty minutes, natapos na rin ang hair and make up na ito. Hindi na ako umangal na lalagyan niya ako ng make-up, light lang naman daw e. (-__-’)

“Yung totoo? Bakit niyo ba ginagawa to?” Naiinis kong tanong.

Una sa lahat, kahit fake lang to, wala akong balak magpakasal lalo na’t kay Lewis pa! I mean baka kasi magka-issue na naman kami, diba? Nakakapagod na rin maging sentro ng mga chismis.

Pangalawa, sinong bwisit ang nagkasundo sa aming dalawa? Pag nakilala ko siya, patay talaga siya sa akin! Grrrr.

“Basta sumunod ka na lang at isuot mo to!” Binigay niya sa akin ang isang white dress na sleeveless, above the knee, simple yet elegant sabay tulak sa akin papasok ng dressing room.

Ngayon, wala na talaga akong takas!

Kinakabahan ako. Naiisip ko pa lang na naglalakad ako sa aisle, nanlalambot na ang mga tuhod ko. Paano pa kaya kung makita ko na ang itsura ng groom ko, diba? Baka mamaya, gumagapang na ako papalapit sa kanya.

Waaaaaaah! Paano ko ba napasok to? T.T

Pagkatapos kong isuot ang white dress na kasyang kasya lang naman sa akin, lumabas na ako ng dressing room. Nakangiti lang sa akin si Olive. Mukang sinet-up talaga kami ah!

“You’re so stunning! Maiinlove lalo sayo ang groom mo.” Olive said.

Hah! Kung alam mo lang, Olive. Maniniwala na ako sa ‘stunning’ eh, kaso dun sa maiinlove? Tsk. Tsk. Hindi ko na alam.

“Ano bang klaseng trip to, Olive? Hindi na nakakatuwa.”

She didn’t answer me, basta sinuot niya lang sa akin ang isang necklace. Dahan dahan akong tumungo upang tignan kung anong klaseng kwintas iyon. When I finally saw it, gusto kong umiyak. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa kaliwang dibdib ko.

Kasi yung kwintas?

Yun lang naman ang puso ni Lewis na binigay niya sa akin noong Christmas Ball.

Tinago ko to ah? Kasi ayokong madumihan siya, ayoko siyang mawala. Gusto kong ingatan ang puso niya. P-Pero, paanong na kay Olive ito ngayon?

“P-Paano napunta sayo to?” Halos pumiyok na ako dahil sa pagpipigil na umiyak dito ngayon.

“Hindi na mahalaga yon. It’s your wedding today! Cheer up.” Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko. “You look even more beautiful with Lewis’ heart.”  

Hindi na ako umimik pa. Hindi ko na maisip kung paano niya nalamang puso ni Lewis yon. Naiiyak na talaga ako. Natutuwa ako but at the same time, nasasaktan. Is that possible? Kasi seryoso, yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Pinasuot niya ako ng flat shoes. Buti naman dahil ayokong mag-heels ngayon. Hinila na rin niya ako sa tapat ng salamin upang makita ko ang sarili ko.

To be honest, I was speechless. Kulang na lang maglagay ako ng belo at bride na talaga ang dating ko. Natatawa nga ako kay Olive dahil halos maiyak na siya sa masterpiece niya. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero ang ganda ko nga ngayon.

“This is it.” She handed me white tulips at saka ako hinila palabas ng tent.

Gahd! Ang hilig manghila ni Olive. Nakakainis!


Nang makarating kami sa gitna, mas tumriple ang kaba sa dibdib ko. I saw him standing at the right side of the aisle, waiting for his bride.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon