Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation

53.1K 887 89
                                    

Author's Note: hayiieeee guys!!!! ^O^)/ ako'y napadaan lang para iUpdate itong chapter na 'to sa inyo. Hindi ko kasi kayo matiis eh ^______^ pero tulad ng nasabi ko noon mawawala pa rin ako for this coming week at masasabi kong miss na miss ko na kaung lahat T3T. 

Hope you'll enjoy! Thanks for waiting!

***

Chapter 42

(Revised & Edited.) 

 

Serene's POV

Ang bilis talaga ng panahon. Sabado na naman at wala akong magawa kundi magpagulong-gulong sa sofa sa may bandang sala namin. At wala akong ibang masabi kundi

Ang boring! 

"Rene iha, okay lang ba sayo na maiwan dito? Mamamalengke pa kasi ako eh." narinig kong sabi ni ate Desi di kalayuan kung saan ako nakahiga. Nakita kong kasalukuyan syang nag-aayos ng pitaka nya at ng grocery list na idadala. 

"Opo syempre naman," sabay tayo ko mula sa pagkakahiga at lapit kung nasaan sya "at isa pa... ate kasama ko naman ang magkapatid kaya wag na kayong mag-alala ok?" Nakangiti ko syang inakbayan. Sa sobrang laki, tila ba mapupunit na ang aking mga labi. 

"Aysus! Ayan na nga ang pinag-aalala ko eh, ang maiwan kayong tatlo rito na mag-isa." 

Aba't over over naman magreact si ate Desi! Akala mo isang malaking delubyo ang mangyayari kapag iniwan nya kami rito. At talagang may palagay lagay pa sya ng kamay sa dibdib na nalalaman na tila ba maaatake sa puso. But anyway, delubyo ba kamo? Hmmm... Parang ganun na nga yata ang mangyayari?

"Ate Desi naman!" Pbiro ko syang kinurot. Tawa ako ng tawa dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha nya. "We will behave, sigurado yan!" 

Magmula ng dumating si Nyree at Kelly, dito na sila sa bahay tumira. Ayos na ayos sa akin at kay ate Desi ang bagay na ito iyon nga lang--

"Hay naku Rene asahan ko yan ah?" Pinaningkitin nya ako ng mata. "dapat kung paano ko sya iniwan ganito ko din sya babalikan." 

"Ate Desi wala ka bang tiwala sa akin? Aalagaan ko ang mga gamit mo lalo na yung mga paborito mong mga paso. Walang labis, walang kung plus!" itinaas ko ang hintuturo sa harap nya ",walang gasgas" 

"Rene asahan ko yan ah." Ay kelangan ba talaga paulit-ulit? Paulit-ulit? Si ate Des talaga. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.

Bago lumabas ng pinto binigyan pa nya ako ng huling tingin sabay lagay ng dalawang daliri sa tapat ng mata nya pabalik sa akin na parang naghahamon.

"Ate Des! Angkulit mo!" Tawa ko pa hanggang sa makasakay na sya ng pinto ng kotse na si Manong Raul mismo ang nagmamaneho. 

Bumuntong hininga ako ng napakalalim.

Inasahan ko na kasi ang araw na 'to ngayon at sigurado hindi na ipagpapaliban ng magkapatid iyon. Nakatayo pa rin ako sa may pinto habang nakasandal na pinagmamasdan ang kotse na humaharurot palayo sa akin

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon