•11•

10K 210 3
                                    


It's been two weeks since the day na pumayag na si Santi.

Araw-araw nakikita ko sa mga mata ni mama na ang saya-saya niya. Mabuti na ang pakikitungo ni Santi kay mama, hindi naman ganoon ka nice pero alam kung unti-unti niyang tinatanggap si mama.

Until now hindi ko parin alam kung ano ang naging rason ni Santi kung bakit pumayag siya. Masaya ako na malungkot. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako dahil sa wakas nakuha na ni mama ang gusto niya.

Sa ngayon gusto ni mama na ipakilala muna siya ni tito Jin sa mga kamag-anak niya. Lalong-lalo na sa lolo ni Santi na ama ni tito Jin.

"Gusto mo ba talagang ikaw na lang ang pumili sa damit na susuotin mo iha?" tanong nito saakin.

Sa totoo lang natatakot ako. Natatakot akong hindi kami matanggap ng pamilya Smith. Nakakatakot. Pero handa kong harapin ang mga sasabihin nila dahil alam kong mahal ni tito Jin si mama, alam ko 'yon kaya pumayag man sila o hindi papakasalan ni tito si mama.

"Opo tito, ako na lang po ang bibili. Gusto ko rin naman po kasing lumabas."

Wala ng nagawa si tito dahil sa sagot ko.

Bored na bored na nga kasi talaga ako. Wala naman kasi akong trabaho. Sabi ni tito Jin kapag naikasal na raw sila ni mama aasikasuhin niya na daw ang dapat asikasuhin para maging apelyedo ko na ang Smith.

Nakakalungkot.

Masakit.

Nakakatakot.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nakakatakot isipin na magiging Smith na akl sa oras na maikasal na si mama at tito Jin, nakakatakot dahil sa tuwing naiisip ko 'yon pumapasok sa isipan ko si Santi. Pumapasok ang ala-alang pinagsaluhan namin.

"Mag-ingat ka anak." tumango lang ako bilang sagot at tumalikod na.
















KUKUNIN ko na sana ulit ang cellphone ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakangiti habang kumakaway saakin.

"Hino!" kumaway din ako.

Oo, it's Hino. Inaya niya kasi akong magmall. Nagkataon naman na bibili rin ako ng maisusuot para sa gagawing engagement party nila mama.

"Mabuti naman at sumipot ka talaga."

"Hindi ako paasa no!"

"Hindi ba?" sinimangutan ko siya dahil sa tanong niya.

"Joke lang, ito naman ang pikon."

It's been a week since nagkikita kami ni Hino, hindi ko alam pero biglaan lang 'yon. Nagkita kami sa mall dahil may pinabili si mama saakin. Simula noon palagi nalang kaming nagkikita at inaaya niya naman akong maggala nalang kami. Wala naman akong rason para ayawan si Hino, I am free anyway.

"So saan tayo ngayon?" tanong ni Hino ng maramdaman niya ang pagtahimik ko.

"Hindi ko alam, saan mo ba gusto?" umakto naman ito na nag-iisip. Nilagay ang kamay sa baba at nilukot ang sariling kilay.

Ang pangit! Oo, ang pangit niya tignan!

"Tigilan mo nga 'yan Hino, ang baboy mo tignan, promise!"

"Ang harsh mo talaga sa'kin!" he pouted na ikinagulat ko.

"Hahaha ang bakla tignan!"

Hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako habang itinuturo si Hino.

Parang nalimutan ko tuloy na nasa mall kami at maraming taong umaaligid.

Giving Up My Virginity: To My Soon To Be Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon