Shoot 7 "Teaming up"

70.7K 3.4K 434
                                    

Araw ng sabado, maaga pa lang ay nasa bahay na si Jace dahil may bibilhin daw siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Araw ng sabado, maaga pa lang ay nasa bahay na si Jace dahil may bibilhin daw siya.

"Jace nandito ka pala, hijo, halika na at sumabay ka na sa aming mag-umagahan." Aya ni mama kay Jace at dahil makapal ang mukha ng bestfriend kong ito ay sumabay talaga siyang kumain sa amin. "Dani! Nandito na si Jace! Bumaba ka na diyan sa kwarto mo!" Sigaw pa ni mama.

Sinuklay ko ang akinh buhok at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. "Eto na 'maaa!" Ganti kong sigaw.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina, nadatnan ko sila na kumakaim. "Ikaw talagang bata ka, ang bagal mong kumilos. Kanina ka pa hinihintay ni Jace ayaw mong bilisan!" Napatingin ako kay Jace at umirap dahil ako na naman ang nasermonan ni mama.

Ang usapan kasi namin ay alas-otso niya ako sunduin pero 7:30 pa lang nang umaga ay nandito na siya. Sumabay ako sa kanilang kumain at matapos kumain ay agad na kaming umalis ni Jace.

"Bakit ba kasi ang aga-aga mo akong sinundo, ako pa tuloy ang napagalitan! Wala naman akong kasalanan!" Reklamo ko sa kanya habang pasakay kami sa kanyang kotse. Etong si Jace ay tinatawanan lang ako.

"Ang sarap pakinggan ng boses ni tita kapag pinapagalitan ka e. Haha!" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya. Ini-start na ni Jace ang engine ng kotse at nagsimula na siyang paandarin ito.

"Nakalimutan mo na?" Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Birthday ni mama next week," Oh it ring a bell! Nakalimutan ko na ang tungkol sa birthday ni tita dahil sa pagiging busy ko nung mga nakaraang araw. "Tulungan mo naman akong mamili ng regalo 'coz basically you're a girl at may similar taste kayo ni mama sa maraming bagay."

Napangiti ako sa sinabi ni Jace. "Bibili na rin ako ng pangregalo para kay tita." Paalam ko sa kanya. Totoo ang sinabi ni Jace na halos magkaparehas ang taste namin ni tita sa maraming bagay.

Pagkarating namin sa mall ay agad kaming dumiretso sa Department store. Tumingin ako ng mga bagay na pwedeng ipanregalo sa nanay ni Jace. "Ano bang gusto mong iregalo kay tita?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm... Wala akong ideya e, siguro... Bag?" Patanong niyang sabi.

"'Wag bag, paniguradong maraming magreregalo kay Tita ng bag. Dapat something special," sabi ko sa kanya.

"Eh ano naman ang pwede kong ibigay?" Napasimalmal ako sa kanya. "Seriously! Wala akong maisip, iyon nga ang dahilan kung bakit kita sinama rito e!" Sabi niya sa akin.

"Bakit hindi kwintas? She'll probably like that kasi tuwing pumupunta ako sa bahay ninyo ay iba-ibang kwintas ang suot ni tita so baka mas gusto niya iyon," suhestiyon ko kay Jace. Umakbay sa akin ang aking kaibigan na parang natuwa sa ideya ko. "Aray! Ilang beses ko bang sasabihin na 'wag mo akong inaakbayan!" Reklamo ko.

Bumili na kami ng kwintas, hindi naman problema ang pera sa mokong kung kaya't ang binili niyang kwintas at tig-12 thousand pesos. Mayaman naman sila at isa pa, nanay niya naman ang reregaluhan niya kung kaya't ayos lang gumastos ng ganoong kalaking pera.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon