Shoot 8 "Party Quest"

72.6K 3.5K 743
                                    

"Eto na tayo, sa XY tower," sabi ni Thatjerk sa amin habang pinagmamasdan namin ang mataas na gusali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Eto na tayo, sa XY tower," sabi ni Thatjerk sa amin habang pinagmamasdan namin ang mataas na gusali. Sira-sira na ito at basag-basag ang salamin, nababakbak na rin ang kulay nito kung kaya't mas lalong nakadagdag sa creepy atmosphere nito. "Sa tuktok nito, nandoon ang leader nung mafia group na ito at siya ang may hawak sa batang anak ni Agor. If I am not mistaken, his level is 10."

"Whoah! Iba rin talaga kapag may kasama kang malakas na player dito sa laro," pagpuri ni Katana at nagsimula na siyang ikasa ang hawak niyang baril.

Ikinasa ko na rin ang baril ko, ang goal namin is makapasok sa Unang palapag ng gusali. "Ready? Lucky, bantayan mo ang HP bar ng lahat and send a notice kapag kaunti na lang ang buhay. Okay?" Tumango si Lucky sa sinabi ni Thatjerk.

Tumakbo na kami papasok sa lumang building, may dalawang lalaki agad ang nakakita sa amin na siyang bantay sa entrance, pinaputukan ito ng baril ni Thatjerk at ganoon din ang ginawa namin.

Ikinasa nung lalaki ang hawak niyang M1A4 at mabilis kaming tinutukan at pinaulanan ng bala. "Tago!" Malakas na sigaw ni Thatjerk at hinatak niya ako sa likod ng isang puno. "You should be careful, masakit ang bawas ng baril na 'yan." Paalala niya.

I wanted to be careful pero sobrang naha-hype ako sa scenario dahil talagang parang may inililigtas kaming hostage. "I will," nakangiti kong sabi at lumabas sa pinagtataguan namin.

"Majesty!" They all shouted in unison.

Diretso akong nakatingin sa dalawang lalaki na nasa entrance at tumatakbo ako habang binabaril sila.

May tumamang bala sa braso ko at ramdam ko ang hapdi mula rito, hindi ako nagpatinag, ikinasa ko ang baril at muling itinutok ito sa isang lalaki. Nung pinaputok ko ito ay kasabay ng pagbulagta nung isang lalaki.

Babarilin din sana ako nung isa pang lalaki ngunit naunahan siya ni Lucky at Katana. Napatay namin ang dalawang bantay sa entrance.

"Tinakot mo ako sa ginawa mo, Majesty!" Humampas sa balikat ko si Lucky.

"Pumasok na tayo sa loob, may mga sniper na nakaabang dito sa labas," sabi ni Thatjerk at pumasok kami papasok sa loob ng gusali. Tumambad sa amin ang malaking lobby nito ngunit sira-sira ang mga gamit.

Mabagal ang aming pagjalbang at maingat kaming nagtago sa likod ng lobby desk. "Ayos lang ba 'yang braso mo, Majesty?" Tanong sa akin ni Lucky.

"Galos lang naman 'to, wala masyadong bawas sa health bar. Ayos pa ako." Ngumiti ako para mapanatag ang kanyang loob.

"Actually guys, hindi lang ang batang anak ni Agor ang hostage sa building na ito. There's also a hostage aroung 5th floor, sa pinakadulong kwarto. Kapag nailigtas natin siya ay mas malaki ang award na makukuha natin." Pagpapaliwanag ni Thatjerk sa amin kung kaya't napatango-tango kami. "Let's split our group into two. Ako at si Majesty ang aakyat sa tuktok nitong tower para mailigtas ang bata at kayong dalawa ang magliligtas sa isa pang hostage sa 5th floor."

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon