Chapter 22

8.5K 243 17
                                    

ALTAIR

Nagising ako. Hindi ko muna iminulat mga mata ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid.

Nakahiga ako sa kama, tahimik ang paligid. Tapos parang walang tao.

Dahan-dahan ko nang iminulat mga mata ko. Kung hindi ako nagkakamali, nasa clinic ako.

"Gising ka na pala." Biglang may nagsalita na akala ko walang tao sa paligid ko.

Napalingon ako doon sa nagsalita. Kaso pagkagising na pagkagising, kailangan ko nang manghula dahil hindi ko makilala kung sino siya sa mga Imperial.

Si Lucas ba to o si Lucius? Seryoso siyang nakatingin sa isang papel na hawak niya. Isang sulat. Tila pamilyar ang klase ng papel na yan.

Naalala ko ang sulat ni Lucian na nasa bulsa ko. Kinapa ko ang palda ko sa ilalim ng kumot ngunit tila hindi ko makapa ang sulat. Napabalikwas ako ng upo sa kama at agad na kinapa ang bulsa ng palda ko para i-double check. Pero shemay. Wala na talagang sulat sa bulsa ko!

"Ito ba hinahanap mo?"

Napalingon naman ako dun sa Imperial. Ipinakita niya sakin ang papel at ngumisi.

Tinitigan ko ang papel. Nabasa ko ang pangalan ko.

"A-akin yan!" Sabi ko at inagaw ko ang papel at ibinulsa.

Kung kanina hindi ko makilala kung si Lucas ba siya si Lucius, ngayon alam ko na. Siya si Lucius. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit mo binasa itong sulat na hindi naman para sayo?"

"Oh. Kalma. Kagigising mo lang, high blood ka na agad. Baka stroke ka niyan," pagbibiro niya.

Stroke? Tsk. Inirapan ko lang siya.

"By the way, lakas mo kanina ha," nagseryoso siya.

Naalala ko ang nangyari kanina. Alam ko ang nangyari. Nagalit lang ako kanina kay Ryoran. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa yun e. Basta ang alam ko, gusto kong magalit. Yun lang.

Napataas naman ako ng isa kong kilay nang may na realize ako.

"Teka nga lang. Si Lucius ka ba? O si Lucas?" Tanong ko. Tila duda ako e.

Hindi siya umimik. Seryoso lang. Mas lalo akong nahirapan kilalanin to. Nalito na tuloy ako.

Hanggang sa bigla siyang sumimangot. "Lucius," aniya.

Napatango ako. Tama pala ang sabi ko kanina na siya si Lucius.

Tsk. Bakit kasi kailangan pang makakilala ng triplets? Ang hirap minsan i-determine kung sino sa kanila ang kaharap ko lalo na kung seryoso lang.

"Bakit nga pala ikaw ang nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Ayaw mo? Gusto mo si Lucian?"

"Amp---" Buset. "Nagtatanong lang kung bakit ikaw. Anong hangin na biglang ikaw itong nakabantay?"

Huminga siya ng malalim. "Nag-volunteer ako. Lahat kasi ng mga kaklase mo ay hindi pinaalis sa division niyo para sermonan ng mga guro dahil wala man lang daw umawat. Nang makita kasi kita nang papunta pa lang ako sa division ko, nakita ko na may mali sa pagitan niyo ni kaklase mo. Kaso hindi naman ako makapasok sa division niyo dahil bawal iyon. Nang mangyari ang pag-apaw ng kapangyarihan mo, agad akong bumalik sa harap ng division niyo at nakita ko na wala ka nang malay."

"Ah." Wala akong masabi.

Nag-volunteer daw siya para bantayan ako rito. Aba'y mabait.

Napansin ko naman nakasando lang siya. Hindi naman mainit dito ah? Ang lamig nga eh.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon