Chapter 27

23.5K 951 191
                                    



Pangalawang araw ko na rito sa bahay nila Acey at lagi ng kumakain si Acey. Tatlong beses sa isang araw pero madalas pa rin syang tahimik at tulala, minsan pa nga ay umiiyak sya. Nasa tabi nya lang ako palagi dahil sa ayaw nya akong umalis sa tabi nya at dahil natatakot na rin ako na baka gawin ulit ni Acey ang pagsugat sa pulso nya kahit sabihin nya na hindi nya na 'yon uulitin pa.

Ngayon ay nasa tabi ako ni Acey sa higaan nya, parehas kaming nakasandal sa headboard. Katulad ng ginagawa nya nitong nakaraang araw ay nakatulala sya sa labas ng bintana habang ako ay nagbabasa ng libro na ginawa nya kahit na natapos ko nang basahin ay binasa ko ulit.

Nasa part na ako nung umalis na si Lorenzo papunta sa ibang bansa, which is sa America kung saan nandoon si Arch. Lahat ng mga panlalait na sinabi sakin ni Acey noon, sinasabi nya na sa libro na hindi 'yon totoo at minsan may kasama pang sorry kapag sinabihan nya ako ng panget na salita tungkol sa katawan ko dahil 'yon ang madalas nyang punan ng panlait.

Nung unang basa ko nito ay hindi ako naniniwalang kabaligtaran ng nararamdaman nya ang panlalait nya pero nung binasa ko ulit ito at marinig ang mga sinabi nila Arch at Gil, hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Hindi ko rin alam kung mapapatawad ko ba sya sa ginawa nila. Masakit pero hindi ko naman ipagkakait na gusto ko na si Acey at makita syang ganitong kalagayan ay parang gustuhin ko na lang kalimutan ang lahat at tulungan makabangon ulit si Acey.

Natauhan ako nung hawakan ni Acey ang pisngi ko at iniharap sa kanya pero agad nya akong hinalikan pagkaharap sa kanya. Nagulat ako sa ginawa nya. Nakadampi lang ang mga labi nya sakin pero nararamdam ko na nginginig ang mga labi nya. Lumayo sya at subsob sa leeg ko.

"Maru.." mahinang sabi nya.

Binitawan ko ang libro at iniligay sa drawer. Niyakap ko sya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Umiling sya at niyakap na rin ako. "Gusto mong lumabas man lang?" simula nung pumunta ako rito ay lagi lang sya nasa kwarto. "Para maarawan ka, ilang araw ka na rito nagkukulong." sabi ko sa kanya.

Matagal bago sya sumagot na okay. Tumayo kaming parehas at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto nya. Nakasalubong namin si Kuya Ace na topless pa at boxer lang ang suot. Nagulat sya nung makitang lumabas ng kwarto si Acey pero hindi sya nagsalita. Ngumiti sya sakin at ganon din ako sa kanya.

Dumiretso kami sa garden nila. Habang papunta roon ay bigla kong naisip si Kuya Ace.

"Bakit kaya hanggang ngayon wala pa rin asawa 'yon? Forty years old na sya, balak nya bang tumandang binata?" tanong ko sa hangin dahil paniguradong hindi naman sasagot si Acey.

Nakarating kami ng garden at nandoon pala ang Papa nila na nagbabasa ng dyaro tapos ang pamangkin ni Acey na batang lalaki na siguradong kasing edad lang ni Kevin naglalaro naman ng chess mag-isa.

"Auntie Acey!" bati nung batang lalaki. Naibaba tuloy ni Tito ang binabasa nyang dyaro.

"Acey, anak. Mabuti naman ay lumabas ka na sa kwarto mo." sabi ni Tito. Tumango lang sa kanya si Acey at hinila ako sa palayo sa kanila. Ngumiti naman ako ng alanganin kay Tito pero ngumiti sya sakin at nag-thumb ups pa. Napakamot na lamang ako ng ulo.

Tumigil kami sa gilid ng pool. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya sa may pool. Napakunot ang noo ko. Hinila ko sya medyo palayo sa pool.

"Wala akong gagawin." sabi nya na medyo nakangiti.

"Nagbabakasakaling lang. Mamaya magpakalunod ka dyan." sabi ko sa kanya.

"Lunod na ako sa kalungkutan..." malungkot na sabi nya.

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon