Chapter 46

1.9K 85 85
                                    


Chapter 46 - Too Late

Soundtrack: I Hate U, I Love U


"In an attempt to fix him, she broke herself."

Daniel Saint




- JUNE -


Tuwing nalalapit ang exams, pumupunta ako kina Roxy o kaya siya ang pumupunta sa'min para sabay kaming makapag-review. Madalas nakakatulog ako. Magigising na lang ako kinabukasan na nasa higaan na 'ko, nasa gilid ko si Roxy, hinihintay akong magising at saka ako pipitikin nang malakas sa ilong at sasabihing, "Tinulugan mo na naman ako, Andrea June."

Tapos ihahatid kami ni Tatay sa school at haharapin naman namin ni Roxy ang katakot-takot na mga exams. Kapag lunch break o kaya dismissal pa-simple kaming dadaan sa Pyxie Point para silayan si Jacin at Tyler.

Makita ko lang si Jacin sa malayuan man o malapitan, buo na ang araw ko.


Ngayon papalapit na ulit ang exams.

Pero hindi kami nag-review ni Roxy kagabi.

Kanina pa ako gising pero hindi niya ako pinitik ng malakas sa ilong.

Nasa tabi ko lang siya, stroking my hair and telling me that I'll be fine, I'm strong and everything will be alright.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

Hindi ko man lang napansin na umiiyak pala ko.

Umagang-umaga umiiyak na agad ako.

Naalala ko ang panaginip ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

But the pain inside my chest reminds me that it isn't a dream.


Totoo pala ang lahat.


Syempre totoo ang lahat.


Dahil sa panaginip kong 'yon, mahal ako ni Jacin.

Bakit ba kasi inalok ko pa ang sarili kong maging girlfriend niya? Hindi ko na sana siya nakasama ng madalas. Hindi sana ako napalapit sa kanya. Hindi na sana ako umasa. Hindi ko sana siya minahal pang lalo. Nakapag-tira pa sana ko ng kahit kaunti para sa sarili ko. Hindi ko sana siya kinailangang iwan. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.

Bakit ba kasi pumayag siya sa alok ko? Bakit pinaasa niya pa ako? Bakit ayaw niyang iwan ko siya? Bakit kailangan niyang umiyak?

Sinubsob ko ang ulo ko sa dibdib ni Roxy at doon umiyak.

Magang-maga na ang mata ko sa kakaiyak, pakiramdam ko palagi akong inaantok. Umaga palang pero baka makakatulugan ko na naman si Roxy nito.

Sigurado maya-maya lang kapag nakapagpahinga ng kaunti ng mga mata ko, siguradong maglalabasan na naman ang mga luha.

Movie marathon ang naisip na solusyon ni Roxy sa mga luha ko, dahil iyon naman ang paborito naming stress reliever.

Comedy ang kinasa niyang movies pero hindi ko magawang tumatawa. I just stare blankly at the TV screen. Roxy isn't laughing too, dahil alam kong sa'kin siya nakatingin.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon