Cuatro

204K 4K 61
                                    

Cuatro

Aura

Mabilis dumaan ang isang linggo. Medyo naghihilom na rin ang mga sugat niya. Mukhang matatagalan pa 'yong sa mukha niya bago siya tuluyang gumaling dahil nadamage talaga ang balat niya. Third degree burn kasi ang nakuha niya.

Papunta na ako ngayon sa kwarto niya. Hindi na niya ako kinausap ulit matapos ang pag iyak at pag open up niya sa akin noong nakaraang linggo. Naging tahimik nanaman siya.

Akala ko pa naman tuluyan ng mag oopen up si Migi sa akin. Tsk. Akala ko pa na magiging kaibigan na ang turing niya sa akin at hindi bilang isang nurse na nagaalaga sa kanya. Akala ko lang pala lahat ng iyon.

I know lagpas iyon sa boundaries ng professionalism naming mga nagtatrabaho dito pero ewan ko ba. Sa lahat ng naging pasyente ko sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito for some reason na kahit ako ay hindi ko alam ang sagot. Iyong tipong gusto kong mag-open up sya sa akin kahit na konti.

Dala dala ko ngayon ang mga paborito kong libro. Mga children fairytales. I know nababaliw na ako dahil ang laki laki niyang tao tapos ang ipapabasa ko sa kanya ay mga librong pambata.

Bakit ba? Eh sa paborito ko mga ito. Iyan kasi ang madalas na nireregalo sa akin ni Tatay noong bata pa ako. Binabasahan pa niya ako bago matulog. Papa's girl ako ika nga. Nakakainis lang dahil iniwan na niya kami agad.

Medyo may kalumaan na ang mga ito dahil bata pa lang ako ay nasa akin na 'yan. Pero sobra ko tong inalagaan kaya maayos na maayos pa ang kondisyon ng mga ito.

Alam ko naman na nabobored na siya dito. May t.v pero mukhang ayaw naman niyang manuod o ano. Mayroon din maliit na aircon ang kwarto. Hindi kasi pwedeng ma expose sa sobrang init yung mukha niya lalo na't pagaling pa lang ang mga ito. Summer pa naman ngayon kaya grabe ang init.

Mabuti na lang at mabait ang head ng ospital at hinayaan na magstay si Migi sa kwarto na 'yon. Naawa siguro. Kasi may bayad ng kaunti kahit papaano ang mga pasyente na nagstestay sa mga airconditioned rooms. Napa isip tuloy ako bigla, sino magaasikaso ng iba niyang bills dito? Sa dami at lala ng mga sugat niya lalo na sa mukha ay kailangan niyang magbayad para sa gamot. Hindi na kasi libre yung ibang gamot na kailangan niyang inumin.

Mabilis kong narating ang kwarto niya.

"Hello!" Masiglang bati ko sa kanya habang nakadungaw sa may pinto. Napatingin naman siya sa sakin.

Pagkapasok ko ay nilapitan ko siya agad at pinakita sa kanya ang dala kong story books. Binigyan naman niya ako ng nagtataka look.

Natawa naman ako sa reaksyon niya. "May dala akong mga libro!" Pagbibida ko.

"Obviously." Malamig niya akong tinignan.

Hay nako. Bumalik nanaman ang pagiging masungit nitong taong 'to!

Nilapag ko sa harapan niya ang mga ito.

"Anong gagawin ko jan?" Masungit aniya.

"Gagawing face mask! Try mo! Tsk. Edi malamang babasahin!" Sarkastikong sagot ko.

"Fairytales? Ano ako bata?" Isa isa niyang tinignan ang mga ito.

"Little Prince, Aladdin, The Wizard Of Oz? Beauty and the Beast? What the hell are these?" Dinagdagan pa ng panlalait. Ang sama talaga nito!

Nakakaasar siyang tumawa.

"Masama ba? Eh favorite ko yang mga yan! Dinala ko na nga yan dito para may mapaglibangan ka! Tapos lalaitin mo lang?" Hindi ko na kaya ang panglalait niya. Grabe talaga siya.

"Sa tingin mo ba nagbabasa ako ng mga ganito? Aura only kids read these things." Matamang sabi niya.

Di ko na napigilang ngumuso. "Porket ba pamabata yan eh bata lang ang pwedeng magabasa?" Katwiran ko.

Bumuntong hininga siya. "Thank you for your effort but I don't read those kind of stuff. Mas pipiliin ko nalang mabored kesa magbasa ng mga walang kwentang fairytales."

Nakakainis na siya pero hindi dapat ako sumuko! Sa ayaw niya o sa hindi, magbabasa siya!

Kinuha ko ang Beauty and the Beast na story book. Iniabot ko yun sa kanya. Napilitan naman siyang kunin yun.

"Ano namang gagawin ko dito?" Ramdam kong tinaasan niya ako ng kilay kahit na hindi ko ito nakikita. Nakaramdam ako ng pagkainsulto pero hindi ko yun pinahalata.

"Alam mo ba na yan ang favorite ko sa lahat?" Turo ko sa librong hawak niya. "Alam kong alam mo na ang storya niyan, pero sana makinig ka muna sa akin."

Ngumiti ako ng matipid bago nagsalita. "Noong bata pa ako lagi akong nireregaluhan ni Tatay ng mga story books. Binabasahan pa nga niya ako eh tuwing gabi eh. Iyon lang kontento na ako. Simula't sapul, alam ko ng hindi lahat mayroong happy ending. Alam ko na gawa gawa lang 'yan. Pero alam mo ba kung bakit ko naging paborito ang storya na ito? Kasi kahit na panget si Beast, tinaggap at minahal pa rin siya ni Belle. Kahit na napaka sungit niya, kahit na wala itong ginawa kundi pahirapan siya. Sabi nga ng Tatay ko, Bulag talaga ang pagibig kasi hindi naman ang mga mata natin ang pumipili eh. Kundi iyong puso natin." Medyo nanlalabo na ang mga mata ko habang sinasabi iyon sa kaniya.

Nakita ko siyang seryosong seryoso na nakikinig sa akin. I don't know if it's a good sign or what. Pero sana oo.

"Sana basahin mo yan para naman kahit papaano, mabawasan yang lungkot mo. Gusto ko lang naman gumaan ang pakiramdam mo kahit papaano." Malungkot na sabi ko bago lumabas.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Para kasing maiiyak nanaman ako. Naaalala ko nanaman si Tatay. Kung papaano niya sinabi sa akin yung mga 'yon nung bata pa ako.

Nagdirediretso ako sa restroom ng ospital at dun bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ganito lang talaga ako. Tuwing maaalala ko ang Tatay ko.

Mabuti na lang at tumigil agad ako sa pag iyak. Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin. Hay. Buti at hindi mugto ang mga mata ko. Hindi halatang umiyak ako.

Naghilamos muna ako bago lumabas. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon kaya okay lang na medyo tumagal ako sa cr. Dumaan muna ako ng nurse station bago dumiretso sa locker area namin. Kinuha ko kasi yung naiwan kong gamit.

Sakto naman pag pasok ko sa area ay bigla kong nasalubong si Yenny na dala na ang kanyang bag.

"Uy, teh! Anyare sayo? Bakit parang umiyak ka?" Concern na sabi niya.

Umiling ako. "Hindi ako umiyak ano kaba! Napuwing lang ako." Sana naman kagatin niya yung paliwanag ko kahit gasgas na gasgas na iyon.

Bumuntong hininga ito. "Okay sabi mo eh. Sige uwi na ako. Ingat ka." Bumeso muna siya sa akin bago tuluyang lumabas.

Aalis na rin ako tutal out ko naman na. Gusto ko na rin kasi magpahinga. Hindi ko alam pero feeling ko'y pagod na pagod ako ngayon which is so unusual dahil wala naman akong masyadong ginawa kanina.

Mabilis ang byahe ko pauwi ngayon dahil walang traffic. Nakita ko namang naglalaro ang kapatid ko ng maliit na teddy bear na regalo ko sa kanya nung birthday niya pagkapasok ko sa bahay.

Naramdaman siguro nitong may taong nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa gawi ko. Lumapad naman ang kanyang ngiti ng makita niya ako.

"Hi, baby!" I opened my arms wide para mayakap siya.

Gumanti ito sa pagyakap at hinalikan ako sa pisngi. Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko.

Agad akong tumayo pagkatapos at dumerecho na sa kwarto ko. Humiga agad ako kahit hindi pa ako magbibihis.

Gusto ko munang umidlip kahit sandali. Baka sakaling maging okay na ang pakiramdam ko pag gising ko.

My Billionaire Patient (TLS #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon