Chapter 3

1.1K 30 10
                                    

iii.

-
Nagising na lang ako dahil sa alarm naligo muna ako at nagbihis ng sibilyan.

Bumaba na ako para kumain. hinila ko na pababa yung maleta ko dun kase ako sa apartment at pag sabado at linggo lang ako uuwi dito.

Natapos ko na yung breakfast ko at nagtoothbrush nagpaalam narin ako kay mama at Karen yung papa ko kase nasa ibang bansa dun siya may bahay kami dun at dun siya nagtatrabaho.

Binigyan ako ng pera ni mama sapat na yun para sa isang linggo kaya babalik ako para manghingi sa kanya.

Sumakay na ako sa sasakyan namin ang layo kase ng bahay namin sa school ko. Matapos ang ilang minuto binaba narin ako sa apartment ko at tinulungan na ako ni kuya Mike siya yung driver namin nilagay na niya yung gamit ko sa baba at umalis na siya.

Hinanap ko na yung susi ko at binuksan na yung pinto.

Pagkabukas ay kong may mga gamit narin dito siguro nilagyan na nila mama. may TV narin dito, computer laptop at echetera. Basta may mga gamit na rin sa sala. Halos ata bawat sulok ng bahay may gamit na eh.Pero isa lang naman ako dito diba? May tatlong kuwarto dun ata ako sa isa. Light pink yung kulay ng pader.

Nilagay ko yung gamit ko sa kuwarto.. pati na rin yung uniform ko pinalantsa na ni mama. Para daw matulog na lang ako. Nilock ko yung pinto ng kuwarto ko. Matapos ang ilang oras na pagtanggal ko ng gami sa maleta ay gabi narin. Bumaba ako at nagluto alangan tingnan ko lang yung kusina at may pagkain na dadating.

Nagluto ako ng Bacon eh yun lang yung kaya kong lutuin ng mabilisan at siyempre para makapagpahinga rin ako. Nakakaantok. Doon sa kwarto ko may aircon pati narin sa katabing kwarto ko. ang isang kwarto naman ay hindi ganoon kalapit sa kwarto ko pero may aircon din doon.

Naglaptop muna ako at kinausap ang kaibigan ko na nakatira ako ngayon sa apartment namin. Sinabi rin nila na bibisita daw sila kung may oras.

|Someone's POV|

Akala niya siguro ginusto ko lahat ng ginawa ko sa kanya? Hindi, parte lang 'yon ng pinag-usapan naming magkakaibigan.

Sinadya ko talaga siyang itext at gawin ang ginawa ko. Napilitan lang ako dahil sa sinabi ng ibang kaibigan ko tungkol sa laro namin. Dahil bored ako ay sumang-ayon ako.

" Oh ano nagawa mo na ba? " tanong sakin ng isa kong kaibigan.

"Oo naman, ako pa ba!" sagot ko sa kanya.

Kailangan kong mapa-inlove sakin yung babaeng 'yon tapos sasabihin ko sa huli part lang yun ng laro naming magkakaibigan. Hindi namin kakilala ang babaeng 'yon pero nakuha namin ang numero niya dahil madami kaming pwedeng pagkuhanan. Kahit na may girlfriend ako ay kailangan ko paring gawin.

_*_*_

Napatigil ako sa pagpupunas ng alikabok nang marinig ko ang doorbell. Pinunasan ko muna ang pawis na tumutulo sa mukha ko bago humarap sa gate.

"Good afternoon ma'am may ipinabibigay po sainyo" Inabot saakin nung lalaki yung bulaklak.

"Sigurado po ba kayong para saakin itong mga bulaklak? Wala po kase akong kakilala dito sa lugar, Bago lang po ako."

"Hindi ko ho kilala maam pero ito po talaga ang address na sinabi, pakipirmahan na lang po" sabi nito at inabot ang pipirmahan ko. Pinirmahan ko iyon at binalik sa kanya.

Marrying Got 7's BambamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon