Chapter 23

8.5K 238 16
                                    

ALTAIR

"Eunice! Mauna na ako," paalam ko.

"Sige. Tustahin lahat nang nang-aaway sayo sa division niya ha. Lalo na yung... ano nga pala pangalan nung lalaki na nakalaban mo kahapon?" Tanong ni Eunice.

"Ryoran."

"Oh. Ryoran pala pangalan huh. Sige. Tustahin mo yun kung awayin ka pa niya."

Natawa ako sa sinabi niya.

Patakbo akong lumabas ng dorm at tumungo sa Trainee section.

Ayos na pakiramdam ko kaya balik agad ako sa division matapos ang nangyari kahapon.

Takbo lang ako ng takbo. Hanggang sa malapit na ako sa Royal Army Division na walang katao-tao. Napahinto ako dahil napagod na ako sa kakatakbo.

"Altair!"

Napalingon naman ako dun sa sumisigaw. Si Ryoran. Tumatakbo siya papunta sakin.

Huminto naman siya sa harap ko at hinabol ang kanyang hininga.

"Sabay tayo papuntang division. Kasi baka pagalitan tayo ni Ma'am Victoria," sabi niya ng maka-recover na siya.

Kumunot naman ang noo ko. "Pagalitan?"

"Oo. Hindi kasi ako pumasok kahapon matapos yung time na nagalit ka kaya baka ngayon tayo pagalitan ni ma'am. Nabalitaan ko na nagalit raw si ma'am. May punishment pa raw na naka abang sa 'tin e."

Nagpakurap-kurap ako. Shemay.

Pero matapos ang nangyari kahapon, talagang asahan ko na nga dapat na may punishment.

"Altair," napalingon naman ako dun sa tumamawag sakin. Si... Imperial.

Lumapit siya sakin. Ako naman, inoobserbahan kung sino siya. Kung si Lucas ba o si Lucius.

Huminga muna siya ng malalim. Hmm. Siguro si Lucas to.

"Altair, pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya.

"O---" pinutol ni Ryoran yung sasabihin ko.

"Mala-late na tayo, Altair."

Sinamaan naman ni Lucas itong si Ryoran ng tingin. At si Ryoran, nag-"Bleh!". Hinila niya ako. Kaso hinawakan ako sa isa ko pang wrist ni Lucas.

"Hoy! Bitiwan mo si Altair. Mala-late kami niyan eh!" Inis na sabi ni Ryoran. Kaso hindi siya pinansin ni Lucas.

"Tss. I'm Lucius. Not Lucas." Halos hindi ako kumibo sa sinabi niya. Si Lucius pala siya. Bakit naging kakaiba ang mga kilos niya? Diba mapang asar siya? Tsk. "And pwede ba tayong mag-usap mamaya pag kalabas mo sa division niyo?"

"Sus! Busy si Altair! Wala siyang time para sa kalokohan mo, Lucius!" Sagot pa ni Ryoran.

Marahan akong tumango. Parang gusto kong pakinggan ang mga sasabihin niya. Lalong lalo na kung yan yung naantala kahapon.

Binitawan na niya ako at hinila na ako ni Ryoran. Binitawan niya lang ako nang nasa tapat na kami ng Red Army Division.

"Naku, Altair. Wag mong kausapin ang lokong yun!" Biglang sabi ni Ryoran.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Siya ang dahilan kung bakit ako muntikang mamatay noon."

Naalala ko yung sinabi ni Lucas sakin tungkol sa kanilang dalawa ni Lucius. Okay. Naiintindihan ko kung ganun ang asal niya sa tuwing makakaharap niya si Lucius.

Tumango ako. "Tara na," sabi ko at pumasok na sa division. Sumunod naman siya.

Pagkapasok namin sa division, sakto namang dumating ang mga guro.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon