Ang Paglalakbay sa mahabang kalsada

234 3 1
                                    


May isang kalsada na napakahaba, at mapanganib. Isa itong kalsada na napakahirap daanan. Lalo na ang unang bahagi ng kalsadang ito, maraming mga pangabin at patibong, tulad ng mga bangin, mababangis na lobo, masamang panahon, at mabundok na kalsada, lubak-lubak at paliko-liko. Pero, sa dulong bahagi ng kalsadang ito, makikita ang hiwaga at liwanag, at ang isang napakagandang lugar.

Isang araw, may isang manlalakbay na nais dumaan sa kalsadang ito. Nais niyang puntahan ang magandang lugar sa dulo ng kalsadang ito. Ngunit, ito'y napakahirap daanan at mapanganib, pero gagawin pa rin niya. Dala niya ang kanyang kakaibang sasakyan, madalas itong magloko at may kalumaan na.

Nagsimula na ang kanyang paglalakbay. Napakadilim at napakalungkot ang simula ng kalsadang ito. Nakakatakot at napakatahimik. Nagsimula ito sa isang gubat na nakakaligaw. Sa kanyang paglalakbay, napansin niyang may mga mababangis na lobong humahabol sa kanya sa daan. At, ang kanyang kakaibang sasakyan ay nagsisimula nang magloko. Malapit nang masira at nawawalan na ng gasolina. Kinakabahan at hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Lumabas siya sa kanyang sasakyan, at siya'y tumakbo. Nagkakaroon na siya ng mga sugat, minsa't kanomtik na siyang makagat. Ilang sandali, may nakita siyang ermitanyo. Tinulungan ng ermitanyo ang manlalakbay, pinatay niya ang mga lobong humahabol sa kanya.

Inayos din ng ermitanyo ang kakaibang sasakyan ng manlalakbay gamit ang mahika, at dinala ng ermitanyo ang manlalakbay sa isang bahay na malapit sa kalsada. Ginamot niya ang manlalakbay. Nang siya'y magising, pinakain siya ng ermitanyo, at kinwento ng ermitanyo ang mga nararanasan ng mga tao sa kalsadang ito. Marami daw sumusuko. Binigyan nya ito ng mga babala at mga payo upang makaligtas sa kalsadang ito. Para sa kaligtasan ng manlalakbay, binigyan ng ermitanyo ang manlalakbay ng isang agimat na magliligtas sa kanya.

Tumuloy muna ang manlalakbay sa bahay ng ermitanyo ng isang gabi. Kinabukasan, pinagpatuloy niya ang kanyang paglalakbay sa kalsadang ito. Habang naglalakbay, may isa na naming panganib ang dumating. May dumating na napakalakas na bagyo, na may halong nyebe. Napakalakas at napakalamig. Mabundok pa ang kalsada nang mangyari ito. Matarik, lubak-lubak, at paliko-liko. Madilim pa at sobrang lakas ng hangin. Nagbalak nang sumuko ang manlalakbay, pero dahil sa mga payo at agimat na binigyan ng ermitanyo, hindi pa rin siya sumuko. Ginamit niya ang mga payo at agimat na binigyan ng ermitanyo sa kanya, at siya'y nakaligtas sa bagyo. Nagkaroon nga lang ng konting sira ang kanyang sasakyan.

Nang makalagpas na siya sa bagyong may niyebe, at sa matarik na kalsada, naiba na ang lugar. Hindi na siya gubat, marami nang tao at bahay. Hindi na tahimik at madilim ang lugar. Habang nasa daan, marami siyang nakikilalang tao. May mga mapagkakatiwalaan, samantalang mayroon ding hindi. Binibigyan siya ng mga babala upang makaligtas sa syudad na ito. Hindi lumalapit ang manlalakbay sa hindi mapagkakatiwalaan. Kung wala siyang makikilala, hindi siya makakaligtas sa kalsada at lugar na ito. Sumasabay din sa kanyang paglalakbay ang mga taong kanyang nakilala.

Makalipas ang mahabang byahe, sa wakas ay narating na niya ang mahiwagang dulo ng kalsadang ito. Kasama niya ang mga taong kanyang nakilala, na itinuturing niyang mga kaibigan. Nandito rin ang ermitanyong nakilala niya sa gubat. Napakasaya ng lugar na ito. Lahat ng tao dito ay masasaya. Maingay at maliwanag. Naiayos na din ang kanyang sasakyang may kalumaan, sa tulong ng kanyang mga kaibigan; iba na ang itsura nito, bago at hindi sira-sira. Nandito ang lahat ng gusto ng manlalakbay, natupad na ang kanyang nais na makarating dito.


Ang paglalakbay sa mahabang kalsadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon